Dionnese Muriel
-
Napalunok ako ng ilang beses habang humihinga ng malalim upang hindi tumulo ang luha ko.
Galit ako. Pero lesheng pie 'to, naiiyak ako. Diba dapat 'pag galit, naninira ng mga bagay? Diba dapat nanununtok? Marunong naman ako manuntok eh. Pero leshe talaga, naiiyak ako.Bakit ba ako naiiyak? Busit rin, nakaka-ulol. Hindi ko na kayang magsalita dahil mukhang maiiyak na agad ako. Leshe, baka hihikbi pa ako. Busit, bakit ba ako leshe ng leshe at busit ng busit? Huta talaga. Akala ko ba, mabait ako?
Tiningnan ko si Papa and put on a strong face. Pero alam kong fail attemp ito dahil umiinit ang mukha ko. Leshe, namumula na ang pisnge at ilong ko. Haha busit, 'wag na 'wag kang umiyak sa harap ng mga taong hindi ka pinaniniwalaan, D.M.. 'wag kang tanga para magpakahina sa harap nila.
Bumuntong hininga si Papa at napahilot sa temple niya. Whatever, hindi ako takot kahit galit siya because I'm on the right track at siya ang hindi.
Alam kong 15 palang ako pero whatever rin dahil alam ko naman kung ano ang tama sa mali. Para 'san pa na binigyan ako ng utak? At tsaka, kailan pa ba nag bigay ng pake si Papa sa mga achievements at failures ko? Haha, syempre lang dahil wala nang gumaganap na magulang ko kundi siya nalang. He's just doing what he has to do. Not because he want to."Muriel, alam kong nasaktan ka ng lubos sa pagka-wala ng Mama mo. Pero please, 'wag mong idamay ang pag-aaral mo."
At dun na tumulo ang luha ko. Kung gusto niya akong parusahan, then parusahan niya ako. Bakit dapat pang e-bring up si Mama? Busit rin eh. Kung nandito pa si Mama, aalamin niya muna ang totoo at hindi siya maniniwala sa mga sabi-sabi lang kahit na merong pinapakitang ibidensya daw. Kung naririto lang si Mama.
Busit. Napa-hikbi ako.
Kahit hindi naman kami close ni Papa, sana bigyan niya muna ako ng chance na bigyan ng justice ang sarili ko. Kahit hindi kami close, sana aalamin niya muna ang totoo. Sana naman maging ama siya sakin kahit saglit lang. Alam ko namang may matibay na ibidensya na nakagawa nga ako ng cheats daw. Pero pakshet 'yan, pakinggan niya sana muna ako! Kailan ba ako natutong mag-cheat? No, I never cheated nor made cheats for my classmates."Muriel, ano bang dapat gawin ko sa'yo?---"
I cut him off dahil napupuno na ako. This may look so freaking immoral but I don't care dahil hindi ko na ma-stop ang bibig ko. Sorry naman, diba? Pero napupuno na ako eh.
"Pa, alam mo, ang laki ng pinagkaibahan niyo ni Mama. Alam mo kung ano ang gagawin ngayon ni Mama kung naririto siya? She'll search for the truth whatever it may take."
Napabuntong hininga siya at napapikit.
"Muriel, marami ang nga evidence na napakita. There's no point of believing you---""I'm ending this conversation. Just punish me already."
"Muriel, ano na bang nangyayari sa'yo?---"
And I cut him off again.
"Diba sa Lotus Island mo ako ipapadala? Yung Island ng pamilya nung twins na sina Victor at bestfriend kong si Vanissa? Ge, Pa, impake na ako. Bukas alis ko diba? Paki-bigay nalang sa'kin ng address at house number ko sa islang 'yon."Umalis ako sa office ni Papa. I shut his door behind me at napa-hikbi nalang ng todo. I look so weak. At nakaka-busit 'yon.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at nagpunas ng mukha."Kung maka-iyak, para namang inosente."
Napa-lingon ako sa taong nakatayo sa doorstep ng mini library ng bahay namin na malapit lang sa office ni Papa. Si Victor. And demonyong Victor na kakambal ng Bestfriend kong si Vanissa na hindi rin ako pinaniniwalaan.
Busit 'tong si Victor, pakialamero. (A.N.: sorry sa spelling)Pero ano bang dapat kong i-expect kay Victor? Maniwala sa akin na inosente ako? Na maniwala na hindi ako cheater?
Busit 'yan, eh sa una pa nga naming pagkikita ay busit na agad ang image ko sa lalaking 'yan. He's thinking I'm flirt at nagpapanggap lang akong mabait at ngayon, mas lumaki pa ang idea na 'yan. Sarap ihampas sa kahoy 'tong so Victor, leshe."Busit ka rin 'no? Kung lumayas ka nalang kaya sa paningin ko?"
He smirk. Gwapo ba? Lesheng 'yan, no thanks nalang dahil hindi ako naga-gwapuhan sa kanya.
"Ayan, lumabas rin ang totoong kulay mo, Muriel. Tama nga talaga ang hinala ko na tinatago mo lang ang baho mo. At kung gawin mo nalang kayang 'bwisit' 'yang 'busit' mo? Pa-inosente ka pa."
My hand made a bulge. No, ayaw ko sanang manuntok pero ngayon, parang gusto nang lumipad ang kamao ko. I shoot him death glares at tiningnan niya ang kamay kong ready na manuntok.
"Ano? Gusto mo akong suntukin? Let's see kung masasaktan ako."
Busit talaga siya. Leshe siya. Dapat niyang ma-salvage! Pinapainit niya ang ulo ko! Kung ayaw niya sakin then ayaw niya! 'Wag 'yong hindi niya ako rerespetohin because I still deserve respect!
"Bakit ka ba nandito?!"
He shrug his shoulders at ipinasok ang kamay niya sa bulsa at ibinigay ang kinuha niya roon sa'kin.
"Nandyan ang mapa ng isla at room number mo. Pakasaya ka 'don, total patapon na rin ang buhay mo."
At hindi na ako naka-pigil. Para siyang babae. Minsan, iniisip kong bading siya eh dahil kung makapag-salita, parang leshe. At pumapatol pa talaga sa mga babae!
Sinuntok ko siya. I gave all my strength on it dahil sa galit ko. Nakaka-busit 'tong lalaking 'to eh.My hand left red marks on his right cheek. Serves him right.
"Alam mo, Victor? Bagay ka rin sa islang 'to dahil patapon na rin ang kaluluwa't ugali mo sa impyerno."
--
January 19, 2016
Author:Next update, bukas or next day sa gabi. Preludes are often this short kaya sorry. Wala rin ako sa mood sumulat ngayon eh. Sorry talaga. Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
The Island Of Despair: Wrecked Demoiselle
Teen Fiction[The Island Of Despair: Wrecked Demoiselle] Lotus Island, isang islang korteng Lotus na bulaklak, isang mundo ng mga dalaga't binata na patapon na ang mga buhay. Pero bakit nakapasok ang isang School President sa islang ito? Ano ang kanyang istorya...