Difference Between Crush and Love (OneShot)

357 11 2
                                    

"What is crush?"

Lahat tayo may crush. Babae man o lalaki

Pero ano nga ba ang crush?

Pano mo masasabi na crush mo ang isang tao?

Crush nga lang ba? O love na?

First, Lets define "crush"

Crush -- an intense but usually a short-lived infatuation. Paghanga. Pag-idolo. Usually, crush natin ang isang tao kasi may taglay siyang kagwapuhan, katalinuhan, at abilidad.

Pero pano naman ang love?

Kailan mo masasabi na love na ang nararamdaman mo at di lang simpleng paghanga?

Ako, bilang isang teenager, marami rin akong crush. Higit 20 pa nga. Pero di ba ok lang yan?Kasi paghanga lang naman yan di ba?

Pero bakit sa isang guy na ito, palagi akong na haheartbroken sa kanya? Di ba ang crush,parang wala lang? Eh ano 'to? Love na ba 'to?

Yung definition nga ng love, a strong feeling of affection di ba? Matindi. Ang lupet. Daig pa ang kidlat sa tindi ng tama mo pagnasaktan.

Yun yun eh. Tuwing nakikita ko siya, yung heart ko parang lalabas na sa katawan ko sa sobrang tibok. Yung di ka na makahinga ng maayos.

Pag nasa harapan mo naman siya, halos ayaw mo ng huminga.

Todo ngiti ka, para mapansin kaniya. Todo effort ka magpaganda.

Yung kada lakad niya, alam mo. Kung san siya banda. Tuwing may program, alam na alam mo kung san siya nakaupo. Nakikita mo pa rin siya kahit sobrang layo niya sayo. Nagiging telescope ang mata mo pag siya ang pinag-uusapan.

Kahit likod pa lang nakikita mo, alam mo na na siya yan.

Yung nanlalamig ka at kinakabahan kasi alam mong nasa paligid lang siya.

Yung sabi nga ng iba,may butterfly sa tiyan mo. Yung maiihi ka na parang nagugutom na ewan. Na parang nilalamig ka na lalagnatin kahit ang init init naman.

Alam mo rin lahat kung naka-ilang gf/bf na siya.Pati, pangalan alam mo.

Lahat-lahat sa kanya alam mo.

Eh tuwing nasasaktan ka. Kadalasan na sinasabi mo sa sarili mo, wala kang karapatan na masaktan kasi di naman kayo. Pero, di mo pa rin talaga maaalis sa sarili mo na masaktan ng todo at iiyak ksi may nararamdaman ka. May karapatan kng masaktan kasi mahal mo siya;tumitibok puso mo para sa kanya.

Una, confuse pa nga ako kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko. Crush lang ba o love na? Kasi kung crush lng 'to, di sana ako nasasaktan ng todo. Di sana ako iiyak ng maraming beses. Di sana ako nagiging bitter at higit sa lahat, di sana ako nagpapakatanga sa kanya, na kahit isang sulyap lang,di ka magawang tapunan.

Masakit! As in OUCH! Sagad to the bones!

Sabi nila, yung pinakamasakit yung FRIENDZONE ka lang. Para sa'kin, hindi yun. Ang pinakamasakit yung kahit kaibigan man lng, wala kayo nun. Yung kahit pangalan mo di niya alam. Yung para sa kanya ordinary person ka lng na parati niya makikita. In short,WALA TALAGA.

Ang crush,kinikilig ka pag nakikita mo siya. Napapangiti ka. Nabubuo araw mo.

Ang love, di ka makahinga pag nakikita mo siya. Napapatawa ka wala sa oras. Nagiging baliw ksna nga minsan sa mata ng mga kaibigan mo. Buong linggo mo, solve na solve na.Yung super inspired ka. Napapatalon kapa nga minsan pag wala na siya.

Yung crush, natural na malulungkot ka minsan pag nalaman mong taken na siya. Pero minsan,oks ka pa rin.

Yung love, parang binagsakan ka ng langit at lupa pag nakikita o may nababalitaan ka tungkol sa kanila ng gf/bf niya. Napapaiiyak ka pa ng wala sa oras. Yung sobrang sira ang linggo mo.

Sa crush, natural lang minsan na naghahalughog ka ng informasyon tungkol sa kanya pero

sa Love, nagiging stalker kana. Di lang basta stalker, investigador pa. Kadalasan sa sobrang pagiinvestiga mo, nasasaktan kana pero khit ganun. Kahit na sabihin mong ayaw mo na. Ayoko na, sige ka pa rin. Willing kang masaktan malaman mo lang kng ano yun,ano yan.

Yung napapaenglish kapa nga minsan ng wala sa oras 'pag nab-bh ka sa kanya.

Quotes mo at kanta mo minsan:

"Mata ko may taksil,yung puso ko,nasa iyo pa rin"

"Mahal kita,walang iba"

"I take one step, but I find myself coming back,to you,my one and only YOU"

PagBH ka naman sa knya:

"I remember the boy, but I dont remember the feelings anymore"

"I used to love you, but I realized, loving you is the things that hurts me alot"

"LOVE?! Hate rather"

At kng ano pang ka emohan pero ano, sige ka pa rin.

Para sa'kin tama yung kasabihan na."If you really love someone, your willing to risk everything.Even if you'll get hurt in return,you still love him/her."

"Mahal mo siya kahit alam mo na masasaktan ka lang."

"Mahal mo siya khit na walang makukuhang kapalit."

Di ba yun naman ang tunay na love?

Minamahal mo siya ng walang kahit anong ineexpect na kapalit mula sa kanya.T rue love never expect anything from that someone whom you love with.

Ang masaktan,natural lang yan. Wala namang tao na nagmamahal ng tunay na di nasasaktan. Kahit pa sabihin mo, nagmahal nga ako para lumigaya pero kapalit pala, sakit at pighati.Di namn tama yun. Nagmahal ka,kaya willing kang masaktan.

LOVE?

For me its adventureous feeling. You'll experience everything. Sad,happy,angry,frustration,heart-aches,overjoy,etc. etc.

Ikaw ba, nagmahal ka na rin ba? Ako kasi OO eh, until now, kahit di ko na siya nakikita, yung nararamdaman ako, andiyan pa rin. Di naman basta-basta mawawala yun eh.

Pero inuunti-unti ko ng pakawalan yung nararamdaman ko ksi I know, may dadating rin sa'kin na magmamahal sa'kin ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanya.

Yes, I do love HIM, but I need to let go my feelings kasi baka sa sobrang focus ko sa kanya,yung taong para pala sa'kin di ko na makita. Yung grabi yung tingin ko sa unahan ko, di ko alam may tao rin pala sa likuran ko na nag-aantay rin kung kailan ko siya lilingunin.

Kaya ikaw/kayo, wag kayong mawalan ng pag-asa. Yung di man kayo mutual,i sipin mo, di katapusan ng mundo. Dadating at dadating rin ang tamang lalaki/babae sa buhay mo. Just have patience and faith. Only God knows when the exact time.

Intay-intay lang. Mahaba pa oras mo, di ka naman siguro nagmamadali di ba? Wala ka naman sigurong lakad. Lol

Kasi kadalasan, sa sobrang pagmamadali, napupunta tayo sa maling tao. Not literally MALI pero di tama para sa'yo. Akala mo siya na pero may iba pala talagang nakalaan para sayo. Tulad ng building. Pagminadali ng engineer at utusan ang mga workers na tapusin ito kahit di sigurado, magigiba at magigiba ito kahit kunting lindol lang. Ganun din sa love. You need to patiently wait and work for it. Di naman na maghihintay kana lang talaga sa isang tabi at kusang lalapit sayo. No. You also need to work for it. Let yourself enjoy and find the love that you need.

In love, all you need is patience, understanding and real faith.

-----

A/N: Thank you for reading. Please dont to Vote and Comment. Godbless

Crush-Love (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon