Dedicated sa lima kong pinakamamahal na kaibigan. Ayan na, eto na paninindigan ko na to hanggang mamatay ako. Hahahaha, puta okay. Bakit feeling ko pagsisisihan ko to after? Wag kayong magalit pag to di ko sineryoso. At di ko maipapangakong parati ko tong mauupdate ha. Charaught. Eto na, miss ko na kayong lahat. Pwe. Bye.
This is the story of me and my super forever friends. (Wattpad/Untrue version)
June 16, 2008
"Shet shet asan yung building ng CAS mamamatay na ako dito please." Bulong ni Grace sa sarili nya. Halos kalahating oras na kasi syang palakad-lakad sa campus di pa rin nya makita yung department nya. Haru jusko lang!!!
Kanina pa nya actually hawak yung mapa ng campus nila, habang nakabackpack at lakad ng lakad kaso wala eh lahat na ng ruta nakuha nya pero parating Shopping Mall ang napupuntahan nya. Di naman sya makapagtanong dahil mukhang lahat busy at may kanya kanyang mundo. Shet lungs mukha syang Dora the lost explorer dito.
"Ughhh bakit kasi di ako sumama nung nagtour yung mga lukaret na yun dito!! Sana di ako nawawala ngayon. Brrr." Inis na inis nyang sabi sa sarili. Bakit nga ba? Paano naman kasi di sya pinayagan at tumao na lang sya ng tindahan nila. Wenks.
Bigla namang nag-ring ang phone nya at agad nya itong sinagot.
"Bessie asan ka tulungan mo ko. Nawawala ako dito." Malungkot na sabi ni Charlene sa kabilang linya. Sa Engineering department naman ito papunta ngayon pero unfortunately nawawala rin ito.
Napakamot naman si Grace sa ulo nya. "Bessie nawawala rin ako eh. Kanina pang 7." Nga naman oh pagminamalas. First day of school pa ha.
"Bessie paano na to yung unang klase ko ngayon 8 ng umaga. Quarter na." Hopeless na sabi ni Charlene. Nakaupo na lang sya actually sa isang bench. Nakakapagod kaya lakad ng lakad.
"Bessie di ba kasama ka nung nagtour kayo dyan nila Christine?" Tanong ni Grace.
"Bessie dyslexic ako. Tsaka sobrang laki ng Philippine University para matandaan ko to. Isang araw lang yun. Huhu." Pagdadahilan ni Charlene.
"Char paano naman naapply yung dyslexia mo dito?" Natatawang tanong ni Grace. "Tsaka bakit ang aga nung kinuha mong unang klase. Naka-shabu ka ba?" Pabirong tanong ni Grace.
"Bessie ikaw nga nagsabing maganda puro umaga di ba tsaka late na kaya yung 8." Pagdedepensa ni Charlene.
"Oo na eh sila Christine ba nakapunta na sa department nila?" Tanong nito.
"Oo eh yun pa. Mga gala yun, tsaka si Mina, Mae at Kim pareparehong BSA kaya magkakasama lang."
"Wow parang di rin tayo gala ha."
"Mas gala sila lalo na si Christine. Excuse me." Natawa naman si Grace.
"Gaga to forever backstabber. Hahaha try mong magtanong sa mga tao dyan. Kelangan ko na ring hanapin yung department at room ko letse." Sabi ni Grace. Napabuntong hininga si Charlene.
"Parang wala na ata akong choice. Sige bessie goodluck sa paghahanap." Tumango naman si Grace tsaka nagbye ito. Binaba ni Charlene ang telepono tsaka tumingin sa paligid. Jusko sino naman tatanungin nya ito?
"Uhm miss mukhang nawawala ka?" Napalingon naman si Charlene sa boses na nagsalita. Napatingin sya dito. Naka sunglasses, nakataas ang buhok at ano ang suot?
Varsity Jacket.
Gustong masuka ni Charlene. Pfft. Jejemon encounter on first day. How nice? Seriously, who wears varsity jacket in their first day of school?
Well nga naman ang fashion statement sa PU one of a kind. Kaso pag freshman di ba dapat pasikat ka? Pang showtime lang ang peg.
"Uh...oo eh. Kanina ko pa hinahanap yung uhm Engineering department." Medyo tahimik na sabi ni Charlene. Well she doesn't talk to stra--jejemons actually. Nakita naman nyang tumawa yung jejemon sa harap nya.
BINABASA MO ANG
Untitled
HumorHindi lahat ng story dapat may title parang ang selfie mo hindi dapat parating may quote at hashtag na walang connection.