ANG IBONG ADARNA
Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, mayisang hari na ang pangalan ay si Don Fernando, ang kanyang asawa ay si DonyaValeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang pinakamatanda ay si DonPedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.
Isang gabi, samantalang natutulog si DonFernando, nagkaroon sya ng isang masamang panaginip at sya ay nagkasakit. Angkanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isangbalong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ngmanggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagalingsa kanya. Hangga't isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tangingmakapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarnaay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.
Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak nalalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay si Don Pedro at sumunod ay siDon Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong Adarna. Dahil sa Labisna pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahonna parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ayumaawit at pagkatapos ay umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna angdalawang prinsipe, sila'y naging bato.
Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi nanakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si Don Fernando na isugoang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyangpanaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.
Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upanghanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin na humingi sa kanya ng pagkain.Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya ang kanyangkahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito,tinulungan sya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabinito na mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira angisang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli angIbong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang punona kaiga-igaya ang anyo.
At nagtungo si Don Juan sa bahay ngermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng ermitanyo at inanyayahangkumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa kanyaay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juanna ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ngpitong dayap, matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwingkakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakanng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyangumiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapagnahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas naibinigay sa kanya ng ermintanyo.
Naging matagumpay si Don Juan na makita atmahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarnasa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ringnailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon sautos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay DonJuan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan.Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilangsinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro atDiego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sahari hindi humuni at umawit ang ibon.
Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sahindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid.Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling.Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ngbalahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit aypatungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling anghari.
Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyangdalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbagodin ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.
Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan saibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro atDiego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasyani Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya angpagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyangdalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia.Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon,sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balonat sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doonnakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni'tsila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juanang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonorakay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing saisang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa palamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro anglubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalitinutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ayumalis na patungo ng Berbanya.
Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ayikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bagomagpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon satulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito.Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang punona sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig angawit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anakni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya aynagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya itomatagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isangermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito angDelos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitongbundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isangagila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ngagila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwingikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkataposmaligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras aynagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa.Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawinkapag sya ay makita ni Haring Salermo.
Sinubok ni Haring Salermo si Juan, nagingmahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unangpagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo nakinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juanat maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalansa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat atgagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong itoupang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ayang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawanni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mgadaliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ngpagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doonnapilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Angnapili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ngprinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaanni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala silaJuan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Angsumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.
Dagling umalis sila Juan at Maria patungo saBerbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanyapansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malamanni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan niJuan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nangdumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ayhumiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilangnakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwingpapalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si DonJuan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria.Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.
Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at DonyaMaria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian.Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos na pamumuno.Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan