Nichole’s POV
“Umamin ka na kasi. Hindi naman namin sasabihin sa kanya e.”
Pagdating ko sa singing room. Yan yung narinig ko.
Si Blue, Daniel and Luke ang naguusap.
“Sinong pinapaamin niyo?”
Tanong ko.
Gulat na gulat naman silang napatingin sa akin. Including Blue. Parang siya nga yung pinaka nagulat e.
“N-Nichole, k-kanina ka p-pa ba d-dyan?”
Tanong ni Luke.
“Hindi. Kakarating ko lang. Anong pinaguusapan niyo?”
Bigla silang nagtinginan.
“Wala. Magpractice na tayo.”
Si Blue naman yung nagsalita.
“Anong ipapractice natin?”
Tanong ko sa kanya. Tinitigan niya muna ako bago sumagot.
“Kanta.”
Seryoso niyang sagot.
“Oo, alam ko. Pero para saan?”
Tanong ko ulit.
“Para sa contest.”
Tumango tango na lang ako. Bakit ang sungit ni Asul ngayon?
Ang bipolar niya talaga.
“Hi guys!”
Napatingin kaming lahat kay Sir Blaze. Kakapasok niya lang sa singing room.
“Hi sir.”
Bati naman namin sa kanya.
“Nakapagpractice na ba kayo?”
Nagkatinginan kami nina Daniel and Luke then umiling.
BINABASA MO ANG
Heartless Heartthrob! (Completed)
Novela JuvenilFirst Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless heartthrob.