Chapter 14

1.7K 68 3
                                    


Rhiana POV

"Hello Chris?? Oo dito na ko mall... yes... wala ka na bang ipapabili?? Sige... Magkita na lang tayo mamaya.. Bye."

Then i ended the call.

Ewan ko ba pero maaga ako ngayong nagising. Ni wala akong magawa sa condo kaya nagdecide akong magmall. Sunday naman kasi atsaka gusto kong mag grocery dahil wala na kaming stocks ni Chris.

Gusto ko sanang magpasama sakanya pero may shoot siya. At busy din siya dahil next week na kami pupunta ng Iloilo para sa project ng Organization. Nakapili na kami ng Orphanage na tutulungan. Yung approvement na lang ng members ang kulang.

Habang namimili sa grocery ng mga pagkain may napansin akong isang pamilyar na tao.

Hindi ko siya masyadong makilala dahil medyo malayo ito sa kinatatayuan ko. Bahagya akong lumapit sakanila.

"Didi i want chocolates... please.." sabi niya sa taong nakatalikod sa akin.  Nakaluhod ito dahil sa liit ng kasama niya.

"Hindi pwede baby magagalit ang dad mo."
Napasimangot naman ang kinakausap niya.

"Please didi... just one." Pagpupumilit niya na halos maiyak niya.

Wala namang siyang nagawa kundi sundin ito.

"Fine just one." Sabi niya na ikinatuwa nito.

Napangiti na lang ako hanggang sa napansin ako ng kanyang kasama.

"Tita Ganda!!"

Agad siyang tumakbo sakin. Balak ko pa sanang umalis pero wala na akong nagawa. Napangiti na lang ako at sinalubong siya.

"I miss you Tita Ganda!" Sabi niya sabay yakap sakin.

Ilang araw na rin simula ng birthday niya at simula nun hindi na ulit kami nagkita. Naging busy din naman ako sa trabaho.

"H-hello. I miss you too." Sabi ko na lang.

Ang cute talaga ng batang to! Mana sa Tito-- este kay Ellen..

Napatingin naman ako sa kasama niya na nakatayo lang sa likuran ni Sky. Hindi ko layang makipagtagisan ng tingin sakanya. Parang anytime malulusaw ako.

"Why are you here Tita?" Tanong niya sakin.

"Uhmm groceries, you??"

"I want chocolates Tita! But Didi dont want me to buy." Nakasimangot niyang sabi.

Napangiti na lang ako at napatingin kay Raine.

Nilakasan ko ang loob ko at hinarap siya.

"Uhmm, i didnt expect to see you here." Mahina kong sabi.

"I just go ahead." Dagdag ko pa.

Halata namang ayaw niya akong makita. Nagpaalam na lang ako kay Sky atsaka umalis.

Narinig ko pang tinawag ako ni Sky pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil lang ako nang biglang may isang kamay na humawak sa braso ko. Magsisinungaling ako kung hibdk ko sasabihin wala iyong epekto sakin. Everything about him affects me.

"B-bakit?" i utter.

"Gusto kang makasama ni Sky. Baka kasi magtantrums siya paghindi ko sinunod."

Aaminin ko medyo nanghinayang ako sa sinabi niya. Sana pati rin siya gusto akong makasama.

"Tita please... pasyal tayo." Sky pleaded.

Napatingin ako kay Sky na binubuhat ni Raine. Well ayoko din namang saktang ang damdamin niya at gusto ko ding makasama si Raine kahit alam kong napipilitan lang siya.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon