Shin

10K 135 0
                                    

"Fuck!" Marahas na sigaw ni Shin at agad umupo mula sa pagkakahiga. Mabilis syang nakahuma at tunuya ang sarili. Your fucking dreaming man.

Ang malamlam nyang mata ay gumuguhit kung gaano sya katakam sa hustisya. Pinaksalikop nya ang kamay at ipinatong sa tuhod habang pinaglalaruan ng kanyang darili ang mapulang labi ng binata.

Habang paulit-ulit at tila walang kapagod-pagod na mamatay sa harap nya ang kanyang magulang ng gabing iyon ay mas nakakaragdag iyon para lamunin sya ng paghihiganti.

Habang napapaginipan nya gabi-gabi ang malagim na nakalipas ay mas lalo syang lumalakas. Nakikita nya gabi-gabi kung paano walang awa na pinatay ang mga magulang nya.

Tumayo sya at hindi ininda ang hubo nyang katawan papunta sa banyo. Pinakatitigan nyang mabuti ang anyo na iningatan at binugbog sa ehersisyo para makamit ang pagiging malakas.

Upang sa pagkikita nilang muli ng mga taong iyon ay mahusay sya sa larangan ng pakikipagbugbugan at asintadong baril na gamit.

Hindi nya aakalaing aabot sya sa ganito.

Naiiling syang tumawa at nilinga ang bintanang sumusulyap ang nakakairitang singaw ng araw. Panibagong sawing araw na naman para sakanya. Kelan nya kaya mapapatay ang taong nagpabago sa pagkatao nya?

Mabilis lumipas ang oras.

Kung dati-rati ay isa syang bata na walang kwenta sa mundo dahil kulang sya sa lahat ng aspeto para mabuhay..

Ngayon, tatapakan ka ng batang ito at ipapamukha sa'yo na dapat kanang mamatay dahil wala ka ng silbi sa mundo.

Ang pagiging malamig at masama ng mga taong makapaligid sa'yo ay nakanaras ng masalimuot na nakaraan na hindi mo naranasan dahil hindi pinagkaloob sa'yo ang buhay na dapat ay nararapat sa'yo.

Gusto nyang hambalusin ang tinatawag nilang Diyos kung bakit sa dami ng walang kwentang tao sa mundo sya pa talaga ang napagdiskitahan na makanaras ng ganito katinding pagkasuklam sa mundo.

Pero paano ba iyan? siya itong napakapalad na nilalang na sa pitong gulang na edad ay may gusto na syang patayin na para paghigantihan ang ginawa nitong kahayupan na magulang nya.

"Rosevelt?"

Agad umayos ng tindig si Shin at bagot na binalingan ang papalapit na mukha sa kanan nya.

"Bakit adik na adik ka sa pangalan na yan? Ex-girlfriend mo ba?" Konklusyon ng kasamahan nya sa trabaho. Nandito na naman ito sa desk nya at nakikialam sa mga ginagawa nya.

Imbes na patulan ang kahibangan ng kasamahan ay tinakpan nya ang search engine ng mga folder sakanyang computer. "Makakaalis kana." Malamig na taboy ni Shin sa ka-trabaho. Isang linggo palang sya bilang isang agent ngunit pinipeste na sya ng mga taong balak magmataas dahil isa syang naguhan sa trabaho.

Ngumisi sya ng palihim at pinagtawanan ang mga taong iyon. Kung inaakala nilang kaya sya ng mga ito.. maniwala sila sa kahibangan nila.

Wala syang pakialam.

"Ang sama mo naman." Ingos nito kay Shin. "Gusto ko lang makipagkaibigan dahil medyo matino kang tignan." Anito upang makumbinsi ang binata. Nilangkapan nito ang tinig ng masayahin.

Ngunit ang titig ni Shin ay nanatiling malamig at halata sa mukha nito na hindi sya intresadong makipaglapit kanino man.

"Alis." Mapanganip na saad ng binata. Tumalim ang titig nito lalo at naghahatid ng kakaibang takot sa sinumang sumalubong sa mga iyon. Iniisip nya kung pipilipitin ba nya ang leeg nito o susuntukin ang lalamunan upang hindi na ito makapagsalita habambuhay.

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon