Chapter 8

2.1K 41 0
                                    


"Sigurado kang sya lahat ng may gawa nito?"

"Opo Sir. Hindi nga rin ako makapaniwala." Hindig at hindi makapaniwalang usal ng lalaki kausap ang hepe ng fifth whole.

Nilinga nila ako at sinabayan ko yon ng matamis na ngiti. Nanlaki ang mata nila sa gulat pagkatapos ay sunod nilang nilinga ang apat na kabataan malayo sakin.

I saw a glimpse of disbelief on their eyes before breathing heavily. Nagkibit balikat ako at pinagtuunan ng pansin ang naputol kung kuko.

Masyado yatang nanggalaiti sakin ang mga boys kaya pati kuko ko pinanggigilan nila.

"Sir naman!! Halimaw ang babaeng yan!!" Sigaw nong lalaki.

Hindi ko sila pinansin dahil pangit pa sa paningin ang madeform kung kuko.

Bawas ganda iyon sa paningin.

"Bakit ba hindi kayo naniniwala na ginawa ito ng babaeng iyan!!" The guy started to pointing at me.

Glaring.

In disgust.

Nagtaas ako ng kilay. What's with the look? Alam kaya nitong mas nakakasuka ang pagmumukha nya kaysa sakin?

"Binugbog nya kami!!"

"Oo nga sir! Halos hindi na ako makakita oh!" Turo nito sa mala-bisugo nitong mata na mamutok at kulay ubi. Akala ko nga kanina ubi na nakakain yon na nilagay nya lang sa mata nya bilang icepack.

Malay ko ba.

Nag-iwas ako ng tingin at sumipol.

Napasobra yata ako ng sipa sa mukha.

Lalo akong napangiwi nong nagsimula nang umungot hanggang ngumawa ang isa sa apat na kalalakihan.

Basag ang nguso nito at sya kanina yong tumalsik ang ngipin. Hirap itong punasan ang luha sa bugbug saradong mukha na lalong nagpapahiyaw sakanya ng sakit.

Ang tanging sandata ko lang ngayon ay kagandahan ko. Hindi naman siguro nila maaatim na may magandang binibini na nakakulong sa isang marumi at hindi kaaya-ayang selda.

"Miss.." Untag sakin nong hepe. Inosenteng luminga ako rito. Revealing how innocent I look.

Nagkamot ito ng ulo at tinitigan ulit ang apat na lalaki. Tinitimbang nito ang sitwasyon kung totoo ba talaga na ako ang may gawa sa karumal dumal na pagmumukha ng mga ito.

Of course they won't believed I'm the one who is responsible of this verdict. Nakakalinlang ang taglay kung mukha na madalas kung ginagamit upang makaligtas sa mga kababalaghan kinatutuwaan ko.

I never intend to make their faces more uglier. Hindi lang talaga sayang bangasan ang pagmumukha nila kaysa sa binabangasan nila kanina.

Karapatan naming magaganda at gwapo na pangalagaan ang aming mukha kaya bilang aware sa bagay na iyan ay gumawa ako ng aksyon laban sa mga insecure na mga bagito.

Yep, hindi kayo nagkakamali ng basa.

I save someone.

Ang masaklap lalaki sya.

Nagpakabayani lang naman ako don nong makita kung pinaliligiran sya ng apat na kalalakihan.

They have the same uniform kaya alam kung magkakilala ang isa laban sa apat.

Makikipagkatuwaan lang sana ako pero hindi ako pinalagpas ng isa at nakuha pang lapitan ako and tried to touch me.

Binale ko tuloy ang braso nya.

Malay ko ba kung nakakahawa ang kapangitan mamaya masumpa ako ng wala sa oras.

Hindi pa naman ako naniniwala sa prince charming.

Ang aawat na gagawin ko ay nagtapos sa bugbugan.

Mukha tuloy silang syokoy ng matapos ang nakakabagot na balyahan.

Pinagsalikop ko ang braso ko sa may dibdib at tumingin sa labas ng presinto. Hindi sila pumayag na posasan ako dahil mukha naman daw akong hindi gagawa ng masama samantalang yong apat na nagreklamo sila ang pinusasan.

Ganyan ang advantage ng mga magaganda.

Pabor akin ang lahat.

Akalain mo nga naman kasi sila na ang nagreklamo laban sakin.

Sila pa ang pinaghihinalaan.

Gusto ko tuloy humalakhak-

But not now.

Umaarte pa akong isang dalagang hindi nakakagawa ng kahalayan sa buhay.

"Bakit ba ayaw nyong maniwala!!" Pilit nila laban sakin.

Sus, kahit magngangangawa kayo dyan hindi kayo papaburan.

Anong laban ng itsura nilang kelangan ng major surgery para humarap sa mundo.

"Halimaw sya!!"

Tumingin ako sa likod ko.

Walang tao don sa pwesto ko bukod sakin.

"Me?" I pointed myself like unexpected victim. Nagpapatawa ba ang batang ito?

He called me monster?

Kung dagdagan ko kaya ang bale ng ngipin nya?

Mas nagmumukha naman syang halimaw than me ano.

Ang ganda-ganda ko para maging halimaw.

Halimaw sa kama pwede pa.

"Huwag kang magturo ng hindi makatotohanan bata." Panananggol ng hepe sakin.

Kita nyo na?

Pati isang nagmamay-ari ng malabong mata ay nasisilayan parin ang kagandahan ko.

Keming ngumisi ako ngunit agad ko yong inayos.

Ang weird kasi.

"Dahil ba maganda ang babaeng iyan?!" Galit na duro nong isa sakin. Hindi man lang nila pinigilan ng mga kasama nya ang paglapit sakin.

"U-uy!" Gulat na sita ng mga pulis sa papalapit na bagito.

Galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito at nakahamba ang kamao nitong nakatutok sakin.

Hindi ako gumalaw upang gumawa ng aksyon bilang depensa.

Nakuha ko pang humikab.

Alas syiete na ng gabi at gusto ko ng gumimick.

Napapikit ako sa paghikab at hinintay ang balya ng bangabio gamit ang hangin.

Ilang mura at utos ng kalalakihan para pigilan ang lalaki saking harapan.

"Yaaaaah!!" Sigaw ng lalaki.

Ramdam ko ang malakas na hangin. Mukhang pupuruhan pa ako ng timawang na ito.

Nangati ang paa ko kaya umangat iyon at sakto sa isang bagay na hindi mo nanaising sagian ng mga paa ko.

Humiyaw ng sakit ang nagpamulat sakin. Tago ang ngisi ko habang nagmamaang-maangan kung bakit namimilipit ngayon sa sakit ang nasa harap.

"Ugh.. sorry?" Clueless na paumanhin ko. Its like I'm not aware of what I've done.

I nearly chuckled on how they drop their jaw whrn I came up to see them. Tinuod sila sa gulat at wala akong oras para hintayin na makahuma sila.

I have a party to attend.

Before I got off ay luminga ako kay hepe na tulala turo ang nangingisay na lalaki sa sahig.

Holding his groin to death.

Nagpi-pray pa yata ito.

"Uwi na po ako Cap." Paalam ko bago humalakhak patalikod.

Agad akong sumakay sa kotse ko at tinalunton ang lugar kung saan ako magpapakasaya.

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon