Give Me Your Attention

12 3 2
                                    


-

"Uni? San ba tayo mag paparty?" sabi ko.

"Sa bahay nyo na lang kaya?" sabi naman ni CiiEel na ikinatahimik ko, she should organize, pampa busy nadin to para sa kanya.

"Oo nga! Wala naman siguro si tita?" abat! Wag naman sa bahay oh?! Kailangan kong maging mabuting anak para papuntahin ako sa concert ng Exo! Myghad!

"Nakoooo! Di pwede! Mapapatay ako nun!" bigla kong sabi kahit di naman. Hahahahaha

"Ehem, clean freak mother" sabi ni Hanii na ikinatahimik namin.

At agad agad silang tumawa, sumabay nadin agad ako.

"Sino nga pala mag oorganize?" tanong ko habang nakatutok sa Skype.

Eh kasi naman! Gusto nila ng party kesyo daw eh valentines na! Ayaw daw nila ng date nakooooo.

"Wag na ka---"
Pigil ko sa kanila. Eh ayoko kasi eh!

"Seryoso Krystal! Wag kang KJ! Parati ka na lang kaharap sa tab eh!" sabi ni justin sabay nguso, di ka po cute. Hahahahahaha

"Kaya nga!" wag ka ngang ganyan uni! Huaaaaaa

"Nahiya naman daw ako sayo justin ano?" Note the sarcasm please, Hahahahaha.

"Eh?! Basta!" sabi ni justin sabay tawa.

"Walang Cellphone! Walang tablet! Walang computer! Walang gadgets! Gets nyo?!" sabi ni mild na ikinabigla ko. Myghaaaaaad!

"Ano?! Ayoko n--"

"WALANG KPOP!" sabay naman nilang sabi.

"Kpop is my life!"
Halos maiyak na ako sa sakit, alam kong OA pero kasi! Huaaaaa.

"Oyh Bato!" biglang sigaw ni Mild.

Sarap sapakin eh! Lumingon agad ako na galit.

"Krystal ho pangalan ko Ef Why ayh! Gets mo po?! Oh hindi ho?!" sabi ko at bigay ng naiiritang ekspresyon na ikinatawa lang nila.

"Alam mo bang pag nasa praktis tayo nila harvey?" sabi ni mild sabay ngiti ng nakakakilabot. Anong nakain nito?

"Oh? Anong meron?" Excited na tugon ni Hanii.

"Pag andun tayo lalo na si Bato eh ang galing mag laro ni Hansol? Pati pag andyan si Bato eh minsan maglumpasay pa sa sahig, nakooooo! Hahahahahaha" sabi ni mild habang kinikilig.

"Eh ano namang meron dun?" sabi ni hanii sabay taas ng kilay kaya sabay na binatukan ni Justin at mild si Hanii na ikinakunot ng noo nito.

"Aray naman daw diba?!" sabi niya.

"Eh tanga mo kasi!" sabi ni justin sabay tingin sa kanya.

"Eh nagtanong parin ako ng maayos! Kasi di ko gets!" sabi ni Hanii sabay kamot. "Kainis to!"

"COMMON SENSE NAMAN HANII! OBYUS BANG NAGPAPASIKAT SI HANSOL KAY KRYSTAL HA HA?! NU KA?! ANG HIRAP MONG PAINTINDIHIN AH?!" sabi ni Uni.

Napatingin kami agad sa kanya. "Wow! Nahiya naman ako at kakarating mo lang diba?!" Mild at justin.

Tumawa nalang si uni at umupo sa tabi ni hanii na naka salpak na ang headset ngayon, nainis na ata kaya ayaw makinig haha.

"Tyempo lang siguro yun, binibigyan nyo ng malisya eh, malisyoso talaga tong mga to!" sabi ko sabay kuha nung tab at muling pinag pantasyahan ang EXO. Ghaaaad! Nakakabaliw sila.

Nakaramdam ako ng pagtahimik kaya lumingon ako at nakita sila nakatingin sakin at ni isang walang kurap.

Tinangal ko yung Earphones at nagsalita. "Problema nyo?"

Give Me Your Attention (BFF Last series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon