"I fell hard .. For him."
--*
"Au, sige na naman kumain ka na."
"Thanks, Max pero wala talaga akong gana."
Ilang araw na ba akong walang gana? Walang ganang kumain, walang ganang kumilos .. At parang wala na rin akong ganang mabuhay.
Oo, ang OA pakinggan. Pero yun talaga, e. Kapag iniwan ka ng lalaking sobrang mahal mo, yung sa loob ng apat na taon halos sa kanya na umikot ang mundo mo tapos bigla na lang siyang manlalamig at iiwan ka. Dahil lang sa 'meron na siyang iba' .. At 'di ka na niya mahal'.
Ganon siya ka gago. All of a sudden, he just fell out of love from me. May iba na raw tinitibok ang puso niya, tangnang puso niyang yon. Taksil.
Naging kami ni Koby nung fourth year high school though classmates na kami freshmen pa lang. Nasa isang circle of friends kami, crush crush lang nung una tapos naging tropa tas M.U tapos ayon, boom! Kami na.
We were like the perfect couple wayback, parang bestfriends ang trato sa isa't isa, pero nasa relasyon, alam nyo yun? Akbay, halik sa pisngi, piggy back ride, wacky faces sa class picture, yung hindi kailangan maging over clingy sa isa't isa. Sapat lang, andun yung kulit pero mas umaapaw ang pagmamahal.
Ang dami ngang naiinggit sa relasyon namin noon. Dagdag pang sikat din siya sa school dahil varsity player siya, at sabi pa nila maganda ang foundation ng relasyon namin dahil nagumpisa sa friendship at nauwi na lang sa relationship.
Pareho kami ng university na pinasukan, magkaiba lang ng course, he took up BSBA ako naman BSHRM. Kahit nabawasan yung time sa isa't isa, lalo lang nung pinatatag ang kung anong meron kami.
Dito din sa university namin nakilala ang mga bagong kaibigan, sina Max, Niña, Felix, Trisha at marami pa sila.
Second year college, mas lumawak yung mundo namin, lalo na siya. Kasi nasa varsity siya ulit, basketball player e tas gwapo, rookie pa kaya ang daming fangirls.
Pero kahit naramdam ko yung takot na baka mawalan kami ng time sa isa't isa at yung threat sa iba pang babaeng lumalapit sa kanya, he gave me the assurance na wala siyang iba, di niya ako ipagpapalit. Na ako lang.
Syempre mas lalo ko siyang minahal .. Mas lalo akong nahulog. Hulog na hulog at wala na akong balak pang umahon.
Kahit din maraming nagsasabi na pag ang relasyon nagumpisa sa highschool di daw nagtatagal hanggang dulo? Di pa rin ako natinag. Mas lalong lumakas ang loob kong patunayan na isa kami sa matatag at maswerteng makakatikim ng forever.
Kaya lang ...
There is no such thing as forever , diba?
3rd year college. Nung 4th anniversary namin, hindi siya sumipot. I just prepared the sweetest date he could've experienced in his life .. pero di siya pumunta. Nahaggard lang ako kahihintay sa kanya, nilamok, naiyak .. at nilamig.
Pati nga yung mga niluto ko nanlamig na.
Pero bakit ba di ko napansin? 2 months before our 4th anniv, he was cold towards me. Awkward na siya sakin pag lumalabas kami, tahimik at preoccupied.
He was not his usual self, pag tinatanong pagod lang daw. Practice tas marami pang activitities. Ayoko naman maging nagger kaya di ko na kinulit, baka nga pagod lang..
Sana nga .. pagod lang.
Pagod sa school at practice..
Hindi sa akin.
Marami na rin ang nakapansin, kausapin ko raw baka may problema di lang nagsasabi. Kaso palagi niyang sinasabi wala naman daw.
Paano naman ako? Pagod na rin ako sa nangyayari samin.
BINABASA MO ANG
Seasons Of Love
Cerita PendekFour love story. Cold and hot love stories that will make you fall and bloom.