The Last Wish~
PurpleTwinStars
Bawat oras ng tao ay mahalaga.
Ako si Ervin meron akong girlfriend si Elaine. Mahal na mahal ko siya gagawin ko ang lahat wag lang siyang masaktan pati buhay ko ibubuwis ko para sa kanya.
Pero kailangan ko siyang hiwalayan dahil kay Diane. Hindi sa pag mamayabang si Diane ay patay na patay sa akin siya ang kadalasang nambubully at nanakit kay Elaine. Si Diane din ang makakatulong sa business nila Elaine para hindi ito tuluyang bumagsak, magiging mahirap kay Elaine pag yun ay bumagsak ilang taon itong pinagpaguran ng mga magulang niya at saksi siya rito at napakahalaga nito sa kanya.
At dahil sa kagustihan kung matapos na ang mga ginagawa ni Diane kay Elaine pumayag ako na maging kami sa loob ng 3 weeks para matigil na ang lahat ng ginagawa niya nangako naman siya na ititigil ang lahat after ng 3 weeks deal namin at tutulungan sila Elaine sa business nila. Gustuhin ko mangtulungan sila Elaine sa business nila hindi ko magawa dahil kulang pa yung shares na mabibigay namin.
Nasa isang restu ako ngayon kasama si Elaine ito na ang araw na makikipaghiwalay ako sa kanya dahil ayoko siyang saktan pag makikita niya kami ni Diane na magkasama. Ayaw ko na maramdaman niya na ang PINAGMAMALAKI niyang Boyfriend ay timer at cheater.
"Babe I have something to tell you"-ako, ang hirap hirap sabihin ito sa taong mahal mo pero ipit na ako at ayaw ko siyang mahirapan pa.
"Go ahead makikinig ako"-Elaine
"*hingang malalim* Mag-break na tayo?", nakita ko naman na ang masaya niyang mukaha ay naging malungkot
"Pero bakit? Ano bang naging kasalanan ko Babe wag naman ngayon please", maluha luha niyang sinabi
"Hindi na ako masaya"
"Pwede ba ako humiling?"
"Ano iyon?"
"Pwede bang maging tayo pa rin kahit isang linggo lang?", kahit gustuhin ko pa ay hindi na maari pa :((
"Sorry pero hindi kita mapagbibigyan may iba na akong mahal", ang sakit sakit sabihin sa kanya iyon ngunit kailangan para sa ikaliligaya niya din naman ito eh.
"Sino ang maswerteng babaeng iyon?"
"si Diane nagmamahalan kaming dalawa", ngumiti siya ngunit pilit lamang
"Masaya ako para sa inyong dalawa maging masaya sana kayong dalawa, wag mo sanang pagsisihan iyan. Maging masaya sana kayo", umalis agad si Elaine gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya na hinding hindi ako sasaya pero hindi ko magawa.
Dumaan ang mga araw na lagi na lamang kaming magkasama ni Diane. Ang isang linggo ay lumipas na ngunit para sa akin itoy parang 10 taon na napaka tagal.
Hanggang sa lumipas na ang tatlong linggo tapos na ang 3 weeks deal wala na kami ni Diane agad akong nagpunta sa bahay ng totoong babaeng mahal na mahal ko si ELAINE.
Nasa gate na ako nila Elaine handa ng ipagtapat sa kanya ang totoong nangyari.
"Elaine Elaine!!!" sigaw ko sa pangalan niya ngunit walang Elaine ang ng lumabas nakita kung lumabas si tita Adriana (ang mommy ni Elaine) sa gate.
"Hijo! bat ngayon ka lang wala na si Elaine"-Tita Adriana, malungkot niyang sabi, marahil si Elaine ay galit pa sa akin kaya umalis siya
"San po siya nagpunta?", nakita kung maluha luha na siyang tumingin sa langit. Parang ansama ng pakiramdam ko sa kinikilos ni Tita kinakabahan ako
"Tita asan po siya Tita ? please sabihin niyo po Sa akin?"
"San ka ba nanggaling bata ka at ngayon ka lang? Diyan ka muna may kukunin lang ako", initay ko si tita na makabalik. Pagkabalik na pagkabslik niya may dala dala siyang isang scrap book.
Pumara si tita ng taxi
At laking gulat ko ng itoy tumigil sa sementeryo, ambigat bigat ng pakiramdam kung bumaba sa taxi habang naglalakad kami bigla na lamang bumuhos ang mga luha ko sa makita kong nakaukit sa lapida
Elaine De Castro ang sakit sakit na makita ang pangalan niya.
"Iho namatay siya dalawang linggo na ang nakakalipas", mas lalalong bumigat ang pakiramdam ko dahil na alala ko ang hiling niya nung nakipag break ako 'pwede bang maging tayo kahit isang linggo lang?' yan ang huli niyang hiling
"tita ano po bang ikinamatay niya? Bat niya po ako iniwan?"
"Hindi niya pa ba nasasabi sayo? Yung araw na huli kayong nagkita ang pagkakaalam ko aaminin na niya sayo na malubha na ang sakit niya at may taning na ang buhay niya, Isang linggo na lang ang pwede niyang ipamalagi pa sa mundo", sa sobrang sakit at lunkot na yakap ko na lang si Tita habang naiyak.
"Ito ipinabibigay niya sayo", sabay abot sa akin ni tita ng dala dala niyang scrap book
Nang buksan ko ito ay punong puno ng picture naming dalawa ng magkasama at masayang masaya.
Sa huling papel nakita ko ang larawan niyang mag-isa at malungkot nakapukaw ng aking atensyon ang isang papel na nakasingit rito
Dear Babe,
Ito na ang huling araw na mabubuhay ako sana maging masaya ka na sa piling ni Diane ah ayokong makita kang umiiyak at nasasaktan sa pagkwala ng Ex mo.
Hindi ko na sinabi na may sakit ako kasi ayaw kung magdusa ka pa masaya na din akong nalaman na may kapalit na agad ako at least hindi na kita makikitang luhaan sa langit.
Im very very happy na nakasama ka sa buhay ko at naking malaking parte ka pa nito, ngunit sana napagbigyan mo ang huling hiling ko na sa natititra kung mga araw ay maibuhos ang aking pagmamahal.
Take care and Be Happy
~Elaine
Ilang linggon na din ang lumipas ngunit hindi ko pa din matanggap na nawala na siya.
I really love you ELAINE DE CASTRO
sana napagbigyan ko ang hiling mo. Sana sa mga oras na natititra naibuhos ko man lang ang pagmamahal ko sayo
Sa ating buhay ang ORAS ay napaka importante sa atin kaya dapat ang bawat MINUTO na dumadaan ipinararamdam natin sa ating mga mahal sa BUHAY kung gaano natin sila kamahal bago pa mahuli ang lahat
~The Last Wish~
PurpleTwinStars
Maraming salamat po sa mga nagbasa mula sa simula wag niyo pong kalimutan na magvote at magcomment sobrang makakatulong po iyon sa aking writting skill
Patuloy niyo pa pong suportahan ang mga storya ko at sa iba pa pong writters sa wattpad
~The Last Wish~
PurpleTwinStars

BINABASA MO ANG
~The Last Wish~
Short StoryLahat ng oras ay mahalaga miski minuto. Dapat ko bang igrant ang LAST WISH niya o unahin ko dapat ang plano kong gawin bago ang taong mahal ko?