Saturday Morning.
Tweet. Tweet. (Vibrate)
Nagising ako.
Minulat ko mga mata ko saka naginat at bumangon. Kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng una ko at binuksan iyon.
Message Fr: Ms. Jimenez
"Ashleen. Pwede ka ba pumunta sa school ngayon? At 9AM? I need your help. Meet me at my office."
Tinignan ko yung oras. 7:30 na. Napakamot ako sa ulo ko tsaka ako tumayo at niligpit yung higaan ko.
Pagkatapos kong maghilamos ay pumunta na agad ako sa kusina para magluto ng noodles. Hay. Panigurado, uulan mamaya. Makulimlim e.
Ano na naman kayang tulong ang kailangan ni Ms. Jimenez?
Naghikab hikab pa ako. Antok pa ye. Kung hindi naman siya nagtext, malamang nananaginip pa ako ngayon.
Nagising na rin si Mama...
"Maaga ata gising mo?"
"Eh.. Nagtext sa akin yung teacher ko Ma.. Pinapapunta ako sa school ngayon."
"Bakit daw?"
"Kailangan na naman niyang tulong sa kung ano ano.."
"Mukhang malakas ka diyan sa teacher mong yan ah.."
"Hindi Ma nuh.. Sus. Nagpapalipat nga ako noon ng section, di man lang ako pinagbigyan.."
"E.. Baka ngayon.. Pagbigyan ka na.."
"Ngayon pa? Kung kailan masaya na ako sa section ko."
"O.. Edi yun. Okay na yun."
Inihain ko na yung noodles sa mesa saka kumuha ng mangkok at kutsara.
"Magkakape ka Ma?"
"Hindi. Kailangan ko agad pumunta sa bakery, nak.."
"Eh. Ako muna una maliligo."
"Ako muna ah."
"Ma.. 9 na yung usapan namin ni Ms. Jimenez."
"E sige sige na. Bilisan mo kumain ng makaligo ka na agad.."
---------------
School.
9:10
Dumiretso na agad ako sa office ni Ms. Jimenez. Saan pa nga ba ako pupunta di ba?
Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok..
"Ma'am.."
"Oh. Thank you so much Ashleen! Mayroon kasi akong pupuntahan ngayon. Importante kasi. Pero gusto ko na rin kasing matapos itong pagchecheck sa mga essay niyo."
By the way. Sana hindi pa huli kung sasabihin ko sainyong.. FILIPINO teacher pala namin siya. Hmm. >.<" Kaya nga nakakaasar e. English ng English eh.. Filipino teacher naman.
"E Ma'am.. Hindi ko po alam kung paano checkan tong mga to. Tsaka bat andame nito? Aantukin ako sa kakabasa ng mga to"
"E kasi.. Yan na yung sa dalawang section ng 4th year ngayon. Tsaka out of 25 lang naman yan. I already checked yours at ang ganda.. Ang ganda ng kuwento mo, iha. So interesting"
Yun kasi. Yun yung unang essay na ginawa namin.
"ANG BAGONG AKO".
Tungkol yun sa mga tao, pangyayari o mga bagay na nakapagbago sa buhay namin pati sa mga sarili namin.
Tae. 5 paragraph essay yung pinagawa sa amin nun. Hoo! Tas magbabasa ako ng ilang essay ngayon! Oh? Nakakaantok!
"Edi ma'am.. Ayus ba score ko?"
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?