•••
You were like a dream,
I wish I hadn't
slept through.•••
"Hoy Baaaaang!!!" Ay jusko eto nanaman siya.
"Hoy rin Yang! Wag ka ngang sumigaw, nakakairita!" Pero deep inside, isa sa mga musika sa'king tenga ang marinig ang pagsigaw niya.
Corny pero totoo.
"Ay ganyanan, sige lang sanay na ako. Pasalamat ka nga minsan na lang ako sumigaw ngayon. Pero anyways, may assignment ka sa Math?" Hay nako, sabi ko na nga ba eh. Matalino naman siya kung tutuusin, iskolar eh, kaso nga TAMAD.
"Sabi ko na nga ba eh, oh 'yan ginawan nalang kita, alam ko namang 'di ka nanaman gagawa ng assignment eh." Sabay abot ko nung papel na sinulatan ko ng assignment niya.
"YESSSS! THANK YOU BAAANG! THE BEST KA TALAGA!" Sabay yakap niya sakin. Palagi niya naman 'tong ginagawa sa'kin tuwing ginagawan ko siya ng pabor o ano. Pero she still has this effect on me.
"Yaks Yang layo ka nga! Ewww!" Pabakla kong sabi sa kanya XD
"SHET HAHAHA DI KA BAGAY BANG, SERYOSO! HAHAHAH!" At patuloy siyang tumawa. Ang ganda niya talaga kapag tumatawa o kung nakangiti.
"Heh! Tara na nga, malelate na tayo. Teka ano ba first subject niyo?" Tanong ko sa kanya habang paakyat kami ng third floor, andoon kasi rooms namin, ang layo pero okay lang, nakakasama ko naman siya ng matagal.
"Wait check ko sched namin.... Oh Bio, si Sir X naman pala eh, panigurado late nanaman 'yon o 'di kaya absent. Eh ikaw ba?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Ah Chem patay, si Maam Jessie, may long quiz pa kami."
"Ay nako tara bilisin na natin baka malate ka pa." Hinila niya ang kamay ko at patakbo kaming umakyat.
"Oh sige una na 'ko Yang ha?"
"Oh sige Bang, good luck sa long quiz!"
*During class*
"Ivan Montesclaros, ikaw ang iaassign ko sa Engineering Department para sa upcoming summit natin ngayong March 6."
Engineering nanaman ang inassign sa'kin, last year pa 'to."So class is there any complain about the assigned departments sa inyo?"
And the class went silence.
"Okay so silence means none. Class dismissed."
YESSSS!-Canteen-
"Oyyy Ivan my friend!" Pasigaw na pagsalubong sa akin ni Drake, ang pinakamaingay sa barkada.
"Manahimik ka nga Drake uy! Ang ingay-ingay mo. Mahiya ka naman sa kanila oh." Pagturo ko sa mga taong kumakain sa canteen.
"Ah hehe sorry!" Sabay peace sign sa kanila.
Ang ibang lower years naman kinilig, kasi naman papi din 'tong si Drake eh. Kaso walang girlfriend, may hinihintay eh, si Ate Venice. Graduate na siya actually kasi nga sila ang last batch na hindi nakaabot ng K-12. Ex siya ni Drake at hanggang ngayon umaasa pa rin si Drake na magiging sila ulit. Haaaayyy pag-ibig nga naman...
"Hoy Ivan lumilipad nanaman 'yang isip mo!" Pagsuway naman ni Marc sa akin.
"Heh! May naisip lang ako. Sige pila muna ako guys ah." Paalam ko sa kanila.