Confession

4 0 0
                                    


Hi!

Kamusta ka na?

Matagal na rin tayo magkakilala pero wala kong matandaang nakapag usap tayo ng personal.

.Kung meron man puro batian, tipid na kamustahan at ngitian lang.

Hindi ko kasi alam kung pano ka iaaproach. Actually wala talaga sa bokabularyo ko na balang araw magiging kabiruan ka. Until that very moment na makasabay kita sa bus. Naglakas loob ako na tabihan ka sa upuan at hindi naman ako nagsisi. Makulit ka pala kakwentuhan, nagmistulang ilang minuto ang tatlong oras na biyahe kung nagcocommute ako mag isa. Nagsimula tayo sa 'getting to know each other' hanggang kung saan saang topic na tayo napunta. Tungkol sa pagaaral, sa pamilya, masasayang experience natin sa buhay at kung saan saan pa. Tandang tanda ko pa kung pano ka tumawa at panong kumunot ang noo mo pagka di mo na gets ang mga corny na jokes ko..

Sayang nga lang na after three weeks eh nawala yung cellphone ko kung saan nakasave yung no mo na hindi ko malaman kung san ko hinugot ang lakas ng loob na hingiin sayo bago ko bumaba. Dun ko lang napatunayan ang kahalagahan ng pagkakabisado ng no. Pasensya ka na at wala na kong lakas ng loob para hingiin ulit sayo.

But anyway gusto ko sanang malaman mo na after that day nagsimula akong maging interested about you, gusto pa sana kitang makilala ng lubos.Maging kaibigan at least. Pero hindi ko alam kung pano ko ipapakita yung feelings ko sayo, but I know im attracted to you.

I'm sorry kung medyo manggugulo ako ngayon sa isip mo, hindi sa nagpapansin ako sayo o gusto kong guluhin ang puso mo. Ayoko lang na may pagsisihan ako sa huli, umaasa man ako na balang araw ay magkaroon ng malalim parte sa buhay mo eh I know I don't have the rights para pilitin kang magustuhan mo ko. But one thing is for sure... I'm sure that I like you..I like you a lot.

Sana after na mabasa mo to ay wag kang magbabago sakin. Sana naka smile mo pa rin akong babatiin ng "hi" pag nagkasalubong tayo. I'm not expecting much pero wag kang mahihiyang magkwento sakin. Huwag kang rin mahihiyang i-express ang feelings mo even if kaibigan lang ang turing mo sakin. I'm willing to accept it. A good friend.

Salamat sa pagbasa ng sulat ko para sayo. Malamang tatawanan mo lang kasi ako kung sasabihin ko sayo to ng personal. Kaya idinaan ko na lang kung saan alam ko na maeexpress ko ang sarili ko sayo. Salamat sa oras.

P.S. Hindi mo lang alam kung panong namula yung mukha ko nung mapagkamalan ng kakilala mong boyfriend mo ko.. hahaha. :)

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon