Ano pa bang kulang?
Bakit ako'y di pa mapuna?
Pakisabi naman ang nais mo
Baka pwede kong baguhin para sa'yo.
Huling hiling
Sana'y iyong dinggin
Ano bang dapat gawin
Upang iyong mahalin?
Hindi naman ako magagalit
Kung sa puso't isip mo'y iba ang mas higit
Pero pwede naman siguro masaktan
Dahil para sa'kin ikaw lamang.
Tangnang pag-ibig 'to!
Lagi na lang nabibigo.
Ngunit 'wag mag-alala
Ako'y di magdadamdam
Dahil alam ko naman
Wala akong karapatan.