Chapter 13

591 23 1
                                    

Shawn's POV

Shit!


Muli akong napatitig sa mga kamay namin. Hindi ko pa rin ililalapat ang mga daliri ko, nanatiling nakabuka iyon. Hindi ko alam kung anong meron bakit ayaw kong ikapit ang mga kamay ko sakaniya. May side na gustong gusto ko nang ikapit ang mga ito pero mas malaki 'yung side na ayoko pa rin.

Ewan! Ang gulo.

Sa huli ay ikinapit ko pa rin ang mga daliri ko dito dahil sa... ano nga ba? Dahil sa─ano, sa ngalay na ko. Tama! Nangawit na 'yung mga daliri ko sa pagbuka nito.

Pumunta kami ni pantal sa may likod nitong park, dahil sabi ko sakaniya na mas maganda ang view doon.

"Manyak, paano mo nalaman tong lugar na 'to? Ang astig!" nakangiting sabi nito sa akin.

Tumingin ako sakaniya ng bahagya at saka nagsalita. "Matagal ko na 'tong alam, nu'ng bata pa kami nina Sid, dito kami natambay dati."

"Ah, so magkababata kayong lima?" tanong niya sakin

"Yeah." tipid na sagot ko

Yumuko ako at tumingin sa mga kamay naming kanina pa magkahawak.

Napangiti ako bigla.

Wala siyang pakealam kahit namamasma na 'yung kamay. Wala siyang arte. Siya 'yung tipo ng babaeng walang pakealam kahit umutot, dumighay, humikab, mangulangot ako sa harapan niya.

Oo. Halos mag-tatatlong buwan na kami ni Jade na magkasama pero kahit anong gawin kong kabalastugan sa harapan niya, ay wala siyang pakealam, 'di siya nag-iinarte.





"Anoooo?!" sabay-sabay na sigaw ng apat na 'to sa gwapo kong pagmumukha. Takte! Mga laway ng mga gago!

"Bingi niyo e!" inis na sigaw ko sabay kamot ng ulo. Na-iistress na ko sa mga nangyayari ngayon eh.

"Nagholding hands kayo ni Jade?!" takang takang tanong ni Ace.

"Pinunasan niya 'yung amos mo sa mukha?!" ganu'n din ang reaksyon ni Trick.

"Sinabihan ka niyang cute ka?!" isa pang gulat na gulat na tanong ni Rage.

"Pumunta kayo du'n sa likod ng park?!" tanong din ni Sid.

"Tangina! Sabi ngang oo!" inis na sigaw ko. Leche! Kailangan bang ulit-ulitin. Nakakabadtrip ah!

"Tapos Shawn nag-ano na kayo?" tanong pa ni Ace.

"Anong ano?" pabalik na tanong ko.

"'Yung ano! Alam mo na 'yun!"

Mukhang alam ko na ibig sabihin ng gagong 'to ah!

"Tangina ka! Di ko gagawin kay pantal 'yon hangga't 'di pa kami kasal!" inis na sigaw ko dito.

Shet na malagkit! Anong kasal?! Anong kasal ang pinagsasasabi ko? Tangina naman oh!

Sabay sabay na tawa ng apat na 'to. 

Sa inis ko ay nag-walk out na lang ako. Tangina ulit! Kailangan kong mag-isip ng mabuti.





Sid's POV

"Sa tingin niyo anong nangyayari kay Shawn?" tanong ko

Kakaiba na kasi eh. Mahirap na. Tsk!

"Ewan ko." sabi ni Ace

"Malay ko." ganu'n din si Trick

"Ikaw Jake?" tanong ko kay Rage

Ininom niya muna 'yung beer niya at saka nagsalita. "Mahirap na, baka magaya ulit siya ng dati."

Parehas kami ng iniisip ni Rage. Baka nga magaya siya sa dati.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon