PROLOGUE

64 2 0
                                    

PROLOGUE

   "Unang taon ng break up, siyempre disaster yan. Hindi mo mapigilang hindi pakawalan yang isang litrong luha mo na bumagsak sa unan mo tuwing gabi. Yung tipong hinihiling mo na magka-amnesia ka nalang kasi lagi mong naalala yung mga masasayang araw na kasama mo siya, pati narin ang mga pagsubok na hinarap niyong dalawa. Lagi mong nakikita yung mukha niya kapag pipikit ka. 

   May mga ina-unfriend o blinoblock sa facebook, ina-unfollow sa twitter, dinedelete number sa phone o kaya naman nagpapalit ng sim kahit memorize naman niya yung number ng taong mahal niya.

   Wala kang ibang karamay kundi ang unan mo na pwedeng iyakan, kumot na lagi kang sinasamahan, panyo na pwede mong singhutan, at isama mo narin yung tugtog sa cellphone mong pang-emo na ikaw ang laging pinapatamaan!. Hehehe. Halos lahat ng sad love song eh nakaka-relate ka. Feeling mo eh, ikaw yung tinutukoy sa kanta, feeling mo ginawa yun para sayo.

   Paano mo nga naman kasi mapapadali yang pagmomove-on mo kung friend mo siya sa facebook. Siyempre hindi mo maiwasang hindi bumisita sa profile niya. Tapos may time pa na mababasa mo pa yung mga message niya sayo nung kayo pa. Hindi mo naman siya pwedeng i-unfriend 0 i-block, isipin pa niyang bitter ka.  Pero ang masaklap pa eh, hindi ka lang naging close sakanya, pati sa pamilya niya.

   Nang dahil lang sa walang kwentang rason natapos ang lahat.

   Ganun pa man, wala na tayong magagawa. Yun yung tadhana eh. Go with the flow lang ika nga. Iiyak mo lang yan lahat hanggang sa ma-dehydrate ka. (hehe..echos lang..) Magsasawa din yang mata mo kaiiyak. Lilipas din yang nararamdaman mo, makakalimutan mo din siya. :)

   Pero paano kung kailan ayos ka na, kung kailan buo ka na ulit tapos bigla siyang babalik sayo? Papayag ka bang maging masaya ulit? O hahayaan mo lang siya dahil ayaw mo makasakit ng iba, kasi alam mo sa sarili mong iiwan mo din siya pero pang habang buhay na?? "

 || DON'T FORGET TO FOLLOW, COMMENT, VOTE AND SHARE PO,,salamat ng BIG!!..||

rhenireesh ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Late for Another Chance?  [[on-hold]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon