Operation : Distance

30 2 0
                                    


Hi. Ako si Kendra. Ken for short.




"Minsan hindi ka napapansin ng taong mahal mo kasi sobrang lapit mo sa kanya," sabi ni bespren habang nakahiga sa kama ko at nakikigamit ng laptop.


"Gano'n ba 'yon?" Humalumbaba lang ako sa study table ko.


"Oo. Para 'yang camera e. Sa sobrang zoom, lumalabo na ang kinukuhanan mo. Parang ikaw, sobrang lapit mo kaya blurred ka sa paningin niya. Ang labo mo namang kausap!"


"Pasensya na DJ Love, masyadong matalinhaga ang mga pakana mo minsan."


Ang hirap magkaroon ng ganitong kaibigan, napakalalim magsalita. Minsan 'di ko alam kung ang tinatanong ko pa ba ang sinasagot niya o iba na.



"O, ano na gagawin mo ngayon? Operation: Distance?" tanong niya habang umaayos ng upo sa kama ko at ipinapatong ang laptop sa lap niya.


"Ang korni naman no'n. Operation: Distance? Teka, ano bang kina-aadikan mo d'yan sa laptop ko? 'Di mo na mabitawan e," puna ko sa kanya.


" 'Wag kang magulo. Sabi nga ni Iron Man,'Everybody needs a hobby'. Kaya naman, ipagpatuloy mo lang 'yang hobby mo," sagot niya sa akin.


'Di ko na talaga maintindihan itong babaeng ito.



Ano bang hobby ko? Wala naman akong ginagawa maliban sa kumakain ako ngayon ng graham. Hmm. . napaisip ako do'n a. Ano bang hobby ko?


"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang lumalapit.


"Ssshh. . chupi! 'Wag kang lalapit. Magiging kulay ube 'yang braso mo ng wala sa oras! Alis!"singhal niya sa akin.


"Ayy, O.A.? 'Di ko pa nga nakikita e," sabi ko sa kanya na dahilan para ilagay niya sa likod niya ang laptop ko.


" 'Wag nga kasi!" sigaw niya.


"Hmp! Damot mo! Ikaw na nga 'tong pinapahiram e. . ."







Let's face the reality. Monday na ngayon. So? Anong gagawin ko? Susundin ko ba ang sinasabi ni Makatang Espren?


Yaah! Ito na siya. Papalapit na siya sa 'kin. Iiwas ba ako? Nasa may locker room kasi ako. Omegee.


Naka-polo jacket lang siya, may t-shirt na brown sa loob tapos naka-converse na sapatos pero bakit ang cool niya tingnan? Aircon ba siya?

Operation : Distance (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon