" Hoy Lalake!! "
"Hoy! Lalakeng naka-itim!!"
Huh? Ako ba tinatawag nun? Parang alam ko kaninong boses yun ah.....
Wala akong choice kundi lumingon. Sa pagkaka alam ko, ako lang naman yung lalakeng naka itim.
Tama nga hinala ko...
Si Arianne nga.
Maganda
Matalino
Sosyal
Mayaman
Talented
Sikat
Ang "Campus Diva" .
Ang babaeng walang alam kung di magpaganda, maglakwatsa, magpost ng mga pictures sa iba't ibang Social Networking Sites at iba pang mga kaartehan. Ugali niya masyadong self centered, nangsno.snob, over competitive, mayabang at maarte.
"Ah.. ano ba kailangan mo?"
"Wow. Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba?!"
L***e! Ano ba ang sinasabi ng babaeng ito!! Baka mapatul...
"Okay. I badly need your help. Kailangan ko kasi ng help . Kasi... kailangan ko kasi ng bagong theme para sa design ko.. And I think na ok ka. I mean magaling ka kasi dyan. diba?.."
Ha?! Nilalait.lait niya ako tapos hinihingi niya tulong ko?! No Way!
"Sorry, loaded kasi yung schedule ko. Nagpapart time job kasi ako eh."
"Really?.... Magagawan mo naman yan ng paraan diba?"
"Sorry talaga pero hindi talaga ako su.."
"PLEASE!!! Sige na. Pumayag ka na.. Gagawin kitang partner para sa project "
Ayoko nga.. Magsusuffer lang ako.. Ang hirap mo kasing kauasap. Ang arte
HINDI.HINDI.HINDI
" Uhhmmmm."
"Okay.. gagawa tayo ng deal" sabi ni Arianne
Teka? Ano na naman ba to?!
"I don't care kung sino ka, yung status mo, yung grades mo at kung anu ano pa .. But there's just one thing na sisiguraduin ko"
palapit ng palapit yung mukha niya sa kin
"... You'll be POPULAR! "
Popular ba kamo? Sikat? Tapos lalaki yung ulo? Capital N O .. NO!!! didiretsuhin ko na 'to
"Hindi ko kasi gustong maging sikat.
Ahhh.. si Clark nalang yung lapitan mo..
Yun, gwapo, matalino, magaling at may maraming oras. And you'll not have a hard time para mapasikat siya. "
Phew!!! =.=
Kulit
"Alam mo naman kung ano ang pride di'ba?!"
parang nagalit ko ata yung tigre...
"...ex ko siya and I am a kind of girl na hindi humihingi ng tulong sa mga napagsawaan ko na.
So whether you like it or not
Or should I say .. whether I like it or not, tutulungan mo ko.!"
Tapos, umalis na siya... Loka loka ba yun?! Pride pride!! Isabon mo yan sa mga marka mo. ...
Naglakad na ako.. Bad Trip..
Masasabi ko talaga na hinding dindi yung kagaya niya yung magiging girlfriend ko.! As in. Hindi!
BINABASA MO ANG
No Ordinary Love
RomanceA story about a simple guy that changed a Campus Diva's <3 :)))