Sorry kung sobrang tagal ko bago nag-UD. >.<
Bumawi na ko ngayon. :)
---------------------------------
PATRICIA’S POV.
Me: “Ano bang kukunin ko?”
Paulo: “Pumunta ka sa dressing room ko, tapos kuhanan mo nga ko ng damit.”
Me: “Ano ngang susuotin mo eh?!”
Paulo: “Tsk! Kuha mo ko ng V-neck na color red shirt. Then, yung polo ko na ¾’s. Then, skinny pants. Clear?”
Me: “Yon! Dapat ganun kalinaw.”
Paulo: “Dali, and I will take a bath while you’re preparing my clothes.”
Me: “Saan ka ba pupunta?”
Paulo: “Basta! Do your job na lang. Go.”
Me: “K!” Bigla na kong tumalikod sa kanya.
Oh, diba? Ayos yung pakikitungo namin sa isa’t-isa noh? Ganyan kami magtratuhan niyan. Kailangan patarayan talaga kami. Paano ba naman kasi, kalalaking tao napaka sungit!
Ginawa ko na lang yung pinapagawa niya sa’kin. Naghahanap na ko ngayon ng sinabi niya sa’king susuotin niya. Saan kaya pupunta yun at nagpapahanap ng pang-alis? Lahat ng nakasampay niyang damit na nasa loob na ng napakalaki niyang closet ay plantsado, at yung mga nakatupi ibig sabihin hindi pa plantsado yun. Sa dami ng damit ng lokong yun, medyo pahirapan pang makahanap ng imamatch niyang porma na gusto niya.
Heto, nahanap ko na yung inuutos niyang susuotin niya. Natagalan talaga ako sa paghahanap dahil sa dami niyang mga pwedeng isuot dito, at may iba na halos magkakapareho na. Medyo inayos ko pa yung pagtupi para pag inabot ko sa kanya ay hindi na siya makapag reklamo pa. Reklamador din kasi yun e, napaka!
Papunta na ko sa kwarto ni Paulo para iabot na ‘tong mga damit niya sa kanya. Pag pasok ko, hindi ko sinasadyang medyo nakabukas pala ang pintuan ng kwarto niya. At nakita kong naka-salawal lang siya sa pang ibaba niya pero nakatalikod siya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at napatakip pa ko sa bibig ko sabay talikod sa may pader malapit sa pintuan ng kwarto ni Paulo sa labas. OMG!! Hindi ko ginustong makita siyang wet look na ganun. Pero… ang kinis niya talaga. Tapos kitang-kita yung lapad ng likuran niya dahil sa muscles niya. Sorry talaga, hindi ko sinasadya yung nakita k---
“Pat?”
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...