PATRICIA’S POV.
Nagtitimpla na ko ngayon ng kape para kay Tatay Lito at Nanay Pearl. Nilapag ko na rin sa lamesa yung tinimpla ko para sa kanila. Hindi ko kasi malaman yung nararamdaman ko ngayon e. Kinakabahan ako na naeexcite na naiinis na naguguluhan. Ang labo di ba?
Tatay Lito: “Pffffffffffft!” Muntikan ng mabuga ni Tatay yung hinihigop niyang mainit na kape. “Anong party party yang sinasabi mo?!”
Me: “Invited po ako sa welcome back party ni Madam Theresa.”
Oo, tama kayo ng basa. Sa welcome back party ni Ma’am Theresa, at mamaya na ‘yon. Oh, di ba? Hindi ako handa diyan sa totoo lang.
Tatay: “Paano ka naman naging parte ng kasiyahan doon aber?” Simangot sa’kin ni Tatay.
Me: “Inimbitahan po ako ni Paulo…” *Sigh* “Ni Sir Paulo po.”
Nanay Pearl: “Buti nga siya inimbitahan e. E, tayo kasama ba? Hindi di ba?” Pagsabat ni Nanay. Nauna ko kasing ipaalam kay Nanay Pearl na imbitado ako sa welcome back party ni Madam. Si Tatay Lito naman, ngayon ko lang pinaalam. At alam na rin ni Nanay Pearl na may isusuot ako.
Tatay: “Oo nga, imbitado nga siya. E, ang tanong… may susuotin na ba siya para mamaya? Wala naman di ba? Puro mamahaling damit ang suot ng mga tao doon mamaya, at wala tayong ganun anak!” Nagkunot-noo naman si Nanay Pearl kay Tatay.
Nanay: “May susuotin na yung anak mo.”
Tatay: “Huh? Ano namang susuotin niya? Yung daster mong magkahaba-haba?” Pamimilosop ni Tatay. Nako talaga oh, kahit kailan talaga ‘to si Tatay.
Nanay: “Sa’yo ko kaya ipasuot yung daster ko?!”
Me: “Tama na nga ho yan.” Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, at lumakad papuntang kwarto.
Teka… teka… hmmmmm… ayun! May kinuha lang ako sa loob ng damitan ko at lumabas ulit sa kwarto para bumalik sa kainan namin.
Tatay: “Akala ko nagwalk-out ka. Oh, ano yan?” Nilahad ko kasi kay Tatay yung mga paper bags na hawak ko ngayon.
Me: “Heto po. Heto po yung mga susuotin ko mamaya.” Kinuha naman kaagad ni Tatay yung inaabot ko sa kanya at binuksan yung paper bags.
Nanay: “Oh, anong masasabi mo Lito? Ang gaganda di ba?” Parang kinikilig pang tanong ni Nanay.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...