Chapter 18.

673 18 4
                                    

PATRICIA’S POV.

 

 

 

 

Pagkatapos kong magbihis ngayong umaga na ‘to, dumiretso na kong lumabas sa kubo. Wala akong dalang pang swimming kasi nga ‘di naman ako marunong lumangoy at ayoko magswimming talaga. Naisip ko na lang na makisama kela Lorraine mamaya gaya nga ng sabi niya kahapon sa’kin na magbonding kami. Habang naglalayo na ko papalayo ng kubo, may isang lalaki naman na mukhang sumasalubong sa’kin at napatigil ako sa paglalakad. Nakita ko na agad yung malapad niyang ngiti.

Me: “Oh, Craig? Saan ka pupunta?”

 

Craig: “Good morning, Patricia.” Hanggang sa makalapit na talaga siya sa’kin. “I’m here para sunduin ka.”

 

Me: “Sunduin? E, hindi ko naman kailangan ng sundo.”

 

Craig: “I mean, sabay na lang tayong pumuntang mansion.” Sabay hawak niya sa batok niya. “Tinawagan kasi ako kagabi ni Lorraine. Nagyaya siya magswimming e. Kasama ka daw pati si Paulo.”

 

Me: “Uh, oo nga. Yun nga ang sabi niya.” Ngiti ko sa kanya.

Craig: “Kaya nga ito oh? May dala na kong pamalit.” Tumawa siya ng mahina. “Ikaw? Nasaan yung dala mo?” Bigla niya kasi napansing wala akong bitbit na kahit ano.

Me: “E, kasi… hindi naman ako magsiswimming e. Makikibonding lang ako pero hindi ako lalangoy. Hindi kasi ako marunong e.” Sabay kamot ko sa ulo ko.

Craig: “Pfffffffffft! Hindi ka marunong magswim? Nako, Patricia. Importante sa buhay ang pagaaral lumangoy.” Tignan mo ‘tong lalaking ‘to. Tinawanan pa talaga ako. E, sa hindi ako marunong e. “I can teach you.”

 

Me: “Hindi na. Basta, makikibonding na lang ako.” Tanggi ko kay Craig.

Craig: “Are you sure? Mas enjoy yung nagsiswim ka din.”

 

Me: “Kahit hindi na.”

 

Craig: “Okay.” Nagkibit-balikat lang siya sabay hinila yung kanang braso ko. “Let’s go!” Bigla naman niya kong natangay papuntang mansion.

--------------------------------------

Craig: “Good morning, Tita! Good morning guys!” Masaganang bati ni Craig kay Madam, Paulo at Lorraine na kumakain ngayon ng breakfast sa dining.

Madam Theresa: “Good morning, hijo.” Nagbeso si Craig kay Madam.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon