Chapter 2.0 (The Continuation)

18 1 0
                                    

=YaC's POV=

"aaahhhhh~" hikab ko habang nag-iistretch ako. Ang sarap sa pakiramdam yung gumising ng maaga no? At least alam mo na eto na naman yung bagong araw na kakaharapin mo pagkatapos ng kahapon.

Thanks God for giving me another day to live alive. Haaaaayyyy.

Tinignan ko yung table sa bedside kung san nakapatong yung clock; 6:10 A.M palang maaga pa yun para sa mga almost noon ang class, 10 AM - 7 PM kasi schedule ko ngayon ee. Vacant yung 3 subjects today pero my 1 and a half hour naman ako para sa org. na sinalihan ko since I was a freshmen and now I'm 4th year high school, last year ko na to sa pagiging H.S Student kaya ini-enjoy ko na. Haaayyy..

*tok... tok... tok...* May kumakatong sa pinto ng super aga. Sino naman 'yun? Alam naman ni tito na 10 pa class ko alam din ni tita. Si Kuya Jake t'wing weekends lang yung umuuwi ee. Ina-handle kasi niya yung company nila ee. Noon ngang una ayaw pumayag ni tito kasi baka mawalan ng time si Kuya samin at sa parents niya. Kaya nga hindi hinawakan ni tito yung company nila ee, baka dw mawalan siya ng time sa family niya lalo sa kaisa-isang anak nila ni Tita May pero since gusto talaga ni Kuya Jake. Ayun pinabayaan na siya na yung humawak kesa naman daw sa iba ipagkatiwala. Sabagay 25 na rin si Kuya Jake kaya, kaya niya na rin yung mga trabahong mabibigat sa company nila, talino naman siya kaya no problemo.

"Wait lang po..." bumaba ako ng higaan ko, sinuot ang tsinelas kong pambahay, binuksan yung pinto habang suot pa ang paborito kong mickey mouse na pair na pantulog na regalo pa ni mommy when I was 10. Pinag kakasya ko nalang siya kahit may kasikipan na.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si kuya Jake. Ano ginagawa niya dito? Hwebes palang po nagyon. 'Bat ang aga niya.

"Oh! Kuya Jake, ang aga mo ah? Diba twing weekends ka lang umuuwi?" kinikusot ko mga mata ko kasi may mga muta pa nakakahiya naman kay kuya kung makita niya ko na ganito. Pero nasanay na din siya siguro.

"Pinauwi ako nila papa ee. My dinner daw kasi tayo mam'ya para daw makabawi sayo at para makapag thank you sa successful na project namin last week" dire-diretso siya sa kama ko. Humalandusay dun na parang sakanya kwarto yun.

"Makabawi sakin? Bakit naman sila babawi?" tanong ko sakanya. Sinundan ko nalang siya. Naki-upo nalang ako sa kama ko kasi nakakahiya naman sakanya ee. Sinosolo ang higaan ko.

"Pinaglinis ka nga daw kasi ni papa... I mean Sir Alex. Pagpa-sensyahan mo na si Sir alex, baby. Alam mo naman 'yun strikto, ibang iba kay papa Alex na kilala ko" tumayo siya sa pagkakahiga tapos inakbayan ako. Hiniga niya din ako. Nilapat niya yung ulo ko sa braso niya habang nakatingin kami sa ceiling ng kwarto ko.

Sobrang close namin no? 10 years kasi pagitan namin ee. Kaya bini-baby niya ako ng sobra. Feeling niya baby pa rin yung baby niya.

Wala siyang ibang pinagtutuunan ng oras kundi ako saka sina tito at tita lang kaya super sweet niya samin lalo na sakin kasi para na akong nakakabatang kapatid ni Kuya.

"oo nga. Ang sama ni sir Alex si Tito Alex hindi. Pero to be serious, kuya Jake, bilib ako kay Tito, akalain mo kaya niyang i-seperate yung trabaho sa personal na buhay? Nakakamangha no? Hindi niya ako binibigyan ng special treatment sa school kahit parang santo ang ugali niya satin. Ang sungit niya sa school kahit in-person di naman talaga. Basta ang galing ni tito" sobrang kong pinu-puri tito ko kasi deserve niya naman, diba? Nakakabilib lang talaga kasi.

OKAY! Ako na ang di makaget-over.

"Ako din bilib sakanya ee. Pareho lang tayo. Para ngang may dal'wa siyang katauhan, parang ikaw may katauhan ka na gustong gusto ko at ayaw ng iba. Siguro inggit lang sila sayo kasi anng ganda ni YahC" sabi ni Kuya Jake na nag bibigay ng nakaka-ewan na looks sakin.

My ALIEN sa Mundo Ko! [[ HIATUS ]]Where stories live. Discover now