Pagkagising ko hinanap ko agad ang cellphone kong malamang nadaganan ko na naman. Tingin sa oras, 6:17am. Okaaay. Wait, what?! 6:17 am? ARGH!
“Uy Kat gising!”
Pinatay ko nga pala yung alarm ko ng 5:30 am dahil antok na antok pa ko. Di ko naman akalain na wala palang alarm na naka-set ‘tong si Kat sa phone niya. Matagal pa naman kaming maligo parehas. Buti nakapag ayos na kami ng gamit kaya di na kailangan pa maghalukay sa maleta ng mga susuotin. Kumuha ko ng damit, kahit ano nalang at dumiretso na sa banyo.
Paglabas namin ni Kat ng kwarto nakipagkita kami kay Ica at Lex. At exactly 8:30am, nasa meeting place na kami dala na din lahat ng mga gamit na kakailanganin. Madami dami na din kaming mga kaklase na nandito. The day was uneventful. Nag tour kami here and there. For three days nga pala ‘to. Nagpunta sa kung anu-anong exhibit at landmarks tapos by 2 pm sinisimulan na namin yung output na kailangang ipasa. Syempre we always make sure na we’ll get top marks. Siguro akala niyo patapon kami no? Lels.
Tapos pag uwi namin araw araw sa hotel, hinahanap ko si Mr. Receptionist. Kulang ang araw pag di ko siya nakita. Parang vitamins lang siya, I need my daily dose. HAHA.
***
“This call for a celebration, girls!” - Lex
“Because this educational tour is such a success! High grades and all!!” - Me
“Cheers! Let’s drink to that!” – Ica and Kat
Last day nga kasi ngayon ng tour, reward namin ‘to sa sarili naming kasi napagod kami ng bongga physically at mentally. Gabi na at nandito kami ni Kat sa kwarto ni Ica at Lex tapos eto, inuman pero light lang naman. Di naman kami magpapaka wasted. At dahil hindi mawawala sa inuman yung spin the bottle…
“Lex! Truth or Dare?”
“Truth!”
“Di ka na talaga na-aatract sa mga babae? As in zero? Nada?”
“May pagdududa ka pa ba sakin hanggang ngayon, Kat? Babae ako sa isip, sa salita at sa gawa. Hihi. Kaya NO, hindi na.”
“Okay, spin!”
“Oooh, Nikki, Truth or Dare?”
Ayoko talagang umiinom sa totoo lang. Mabilis kasi akong tamaan. Gaya ngayon, iba na pakiramdam ko. Haha. Pero if there’s really one thing na kayang gawin ng alak sa’yo, nakakapagpalakas talaga ‘to ng loob. Yeaaa, I’m feeling great.
“Dare!”
“Wow. Ikaw ba yan Nikki? Dare talaga?”
“Yes. Dali na, before I change my mind.”
“Crush mo yung receptionist di ba? He’s on duty ngayon, get his number.”
“Yun lang ba? Piece of cake.” Tatayo na sana ko kaya lang bigla kong naisip, baka naman maturn off sakin yung crush ko pag nakita niya ko ngayon. Isipin pa nun certified lasinggera or tomador ako. Pero sayang naman, kung ipapabukas ko pa ‘to di na malakas loob ko. Hmm.
“Akala ko ba piece of cake e ba’t di ka pa tumatayo diyan?” Pang-aasar ni Lex sakin. Pano ba ‘to?
“Bukas na. Kasi isipin mo, baka maturn off yun sakin. Nangangamoy alcohol ako e.”
“Sabihin mo naduduwag ka na! HAHAHA.” Nagtawanan silang tatlo. BV.Dapat kasi nag truth nalang ulit ako. Leshe kasing Heineken at The Bar Margarita ‘to, napa-dare tuloy ako.
“Bukas, okay? Bago tayo umalis hihingin ko number niya!”
“We won’t forget, Nikki. Di mo kami madadaya”
“Di nga. I’ll do it. You have my word.”
Spell napasubo. N-I-K-K-I.