Hapon na nung matapos kaming mag-ayos ng mga gamit. Alam niyo naman medyo may hangover kami kaya late nagising. Haha. Nandito kami ngayon sa may lobby, hinihintay maibaba yung gamit naming apat. Kwentuhan lang. Tapos tumitingin tingin din ako, sana naman di naka-duty si Mr. Receptionist ngayon. Lagot talaga ko. Sigurado di ako titigilan nila Lex pag duty siya ngayon. -.-
Mukhang the coast is clear naman. Kahit anino niya di ko makita. Yay! The odds are in my favor! Ang down side nga lang, di ako nakasilay bago kami umalis dito.
“Oy Nicole Paris Liu, ang saya mo siguro no? Naisahan mo kami kagabi.” Reklamo ni Lex. Napansin na din siguro niya na wala dito si Mr. Chinito.
“Grabe ka Lex kung magbintang dyan. Gagawin ko naman talaga, kaso pano yun wala siya?” Sabi ko sabay pakita sa kanya ng sweetest smile. At inirapan naman niya ko, haha. Ang pikon talaga nito minsan. Hintay hintay lang kami dito sa lobby, kung di niyo po kasi naitatanong e apat na maleta at 4 na travelling bag yung hinihintay naming gamit. HAHA. Di kami marunong mag-pack ng light. :D
“UYYY! Si Mr. Receptionist mo Nikki!”
Halos mabali ang leeg ko sa pagbiling ng ulo ko para makita kung saan nakatingin si Kat. At lo and behold, si Mr. Receptionist nga! WAAA. Itago niyo kooo. Di ko kaya gawin yung dare. Ramdam ko yung biglang pagbilis ng tibok ng puso ko pati na din yung bigla kong panlalamig. Di ko alam kung ano unang mararamdaman, kilig ba dahil nandito siya o kaba dahil sa dare? Anong gagawin ko? Huhu. Nakakahiya ‘tong dare na pinapagawa sakin lalo na’t matino na ko ngayon.
“Uhm.. Oo nga. A-ayan siya.” >.< Nakita ko na naibaba na din sa wakas yung mga gamit namin. Pano ba? What to do?
“Nikki, ayan na siya. Do the dare na. Dali, paalis na tayo oh.” Sabi yan ni Lex ng nakangiti pa ng bongga. Tapos tumayo na at kinuha yung gamit. Sumunod naman kami nila Ica at Kat. Tapos umupo ulit si Lex sa sofa pagkatapos makuha gamit niya. Halatang hinihintay talaga yung gagawin ko.
“Go Nikki! Number lang yan, kayang kayang mong hingin!” Pagchi-cheer pa ni Ica at Kat.
“Nahihiya ako e.” T.T
“Friend, sa pagkakaalam ko sa buong BS TM 4A ikaw ang pinakamalakas loob.” Sabi ni Kat. Iba naman kasi sa studies. Aminado naman akong pagdating sa boys di talaga ko ganun ka-experienced. Isa palang naging boyfriend ko at nung HS pa yun kaya parang joke joke lang. Tapos puro MU – Magulong Usapan.
“Nikki, sayang naman. Malay mo yan na pala ang destiny mo.” - Ica
“Do the dare na. Dali Nikki.” - Lex
Matapos ang matagal na pilitan, ito papalapit na ko sa reception desk. Naisip ko, YOLO. Saka it's like hitting two birds with one stone if ever ibigay niya yung number -- nagawa ko na yung dare, nakuha ko pa number niya. Hihi. Kung tumanggi man siya, ayos lang. Di naman ako kilala nito. Saka baka di ko na nga siya ulit makita e. Hooo! Kaya mo yan, Nikki! Fighting! Hwaiting! Sabi nga nung mga KPop mong kinababaliwan.
“Excuse me..”
“Yes, Maam?” Inangat niya yung ulo niya tapos ayan na naman yung ngiti niya. Ang puti din pala ng ngipin niya pag malapitan. Nakakasilaw, mga 200 watts siguro. Hihi. Tapos lalong sumingkit yung mata niya at lumabas pa yung dimples. Mag-concentrate ka nga, Nikki!!
“There's something wrong with my phone..” Sabay pakita pa nung cellphone ko.
“What about that, Ma’am?” Tanong niya na medyo confused.
“I can’t seem to find your number.” Insert pa-cute face here at sweetest smile. Grabe, I’m sooo not doing this again. Nakakahiya. Kitang kita ko na napatingin sakin yung isa pang receptionist.
Lalo namang lumapad yung ngiti niya.. Ay wag mo ko ngitian, ibigay mo number mo! -.-
“Can I have your number?
“Di ko kabisado e..” Aww. Okay. Gandang rejection kasi. At least medyo subtle. Kahit pala sinabi ko kanina na kung tumanggi man siya ayos lang, masakit pala. Na-damage ang ego ko. Huhu.
Kaso nagulat ako nung pumasok siya sa office nila, paglabas niya may hawak siyang cellphone. Tapos ako nagpa-processing pa..
Seryoso siyang di niya kabisado?? Ibibigay talaga niya?! WAAAAA!
“Ito oh, 0906*******” Mabilis kong tinype sa cellphone ko at ise-save ko na kaso di ko pala alam pangalan niya.
“Ano pala pangalan mo?”
“Matt. Matt Castillo. Ikaw?”
“Nikki Liu. Seryoso ‘to ah, number mo ‘to?” Ang epic na tanong di ba?May tiwala naman ako sa kanya. Naninigurado lang. Mamaya ma-power trip ako.Natawa tuloy siya.
“Oo, yan talaga.”
“Uhm, thank you ah! Sige, alis na kami. Bye!”
Bumalik na ko sa mga kaibigan ko. Nahihiya na din kasi ako talaga saka di ko na alam sasabihin. Pero aaminin ko na nakakakilig. Iba pala talaga pag ikaw yung nasa ganung sitwasyon. Grabe. Ako ba ‘to? Talaga bang nanghingi ako ng number ng lalaki?
Naglalakad palang kami palabas talaga naman inulan ako ng pang-aasar. Di matigil yung, “Ayiiiii. Ayiiii. Kinikilig si Nikki.”
Basta isa lang alam ko. Feeling ko nasa cloud nine ako. At ang hirap magpigil ng ngiti! Pag kasi nagpakita ako ng sign na kinikilig ako panigurado mas titindi ang asaran. >.<