His PussyCat Dolls [4.6]

2K 44 14
                                    

dedicated to you b1 :e/ siya nag-compose ng Heartless Princess for She Doesn't Care..

hihi ^___________^

_______________________________________________________________________________

            Lumabas na ako ng banyo. Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan. Saktong nakasalubong ko si Bryce na napapaligiran ng mga babae niya. Buti na lang may hallway doon kaya nakapagtago ako. Naririnig ko pa silang nagtatawanan. Bumuntong hininga ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.

♫♪Yes, I’m a princess

Little did they know

I need a life to grow

I don’t care is what they can say

Judging me is an ABC

So I must let it be

Be a heartless princess, a heartless princess♫♪

            Letsugas na cell phone ‘to oh. Ngayon pa umepal, eh.  -____-

            Heartless princess. Kahit pa napapangiti ako kapag naririnig ko ang kantang ‘yan, hindi pa rin nawawala ang kamalasan ko ngayong araw, noh. Napahinto pa nga ang pussycat dolls ni Bryce at pati na rin ang mokong. Napatay ko naman kaagad ang phone pero feeling ko mas mukhang kahina-hinala yung ginawa ko, eh.

                 “Sino ba ‘yon?”

                 “Baka fan lang ng Danger.”

                 “Iskandalosa ang phone.”

            Mga buset na mga ‘to. Ang ganda-ganda ng ringtone, eh. Gusto n’yo yata ng gyera, eh. Anyway tumuloy na sila sa paglalakad. Pero nakita kong luminga-linga pa si Bryce bago siya hatakin ng mga babae niya.

            Nakalabas ako. Sinagot ko ang tawag. Si Vince lang naman pala.

                 “Ano ba ‘yon?” -_____-++

                 “Maniningil. Nasa’n ka ba? Bakit wala ka sa ASUCC?”

                 “Kakabilang mo ng pera mo nahuhuli ka na sa balita. Di mo ba alam? Most wanted ako ng Ashton ngayon.”

                 “Alam ko ‘yon.” Alam pala, eh. -____- “Pero hindi naman ‘yon ang tanong ko, eh.” *tut tut tut tut*

            Binabaan ako? O.O

                 “Hoy!”

                 “Ay atsarang cheez whiz!” O____O

            Tingin sa likuran. Luwa eyeballs. Iwas tingin. Tingin ulit. Hagod pababa hanggang paitaas. Tuktok sa ulo. Buset. Si Vince lang pala. -_____-++

                 “Bakit ka ba nanggugulat?”

            Tumawa siya.

                 “Anong lasa ng atsarang cheez whiz? Teka. Halika.”

            Walang paalam na hinila niya ako. Umakyat kami sa pagkahabang hagdanan.  Alam kong ang labas namin ay roof top na kaya hindi na lang ako pumalag. Isa pa kailangan ko rin namang magpahinga, noh. Kanina pa ako kinukuyog ng mga fans ni Bryce, eh.

            Walang tao sa roof top. Malay ko kung bakit laging walang tao doon eh sa tingin ko naman ang daming nagagawi do’n kapag napapadaan ako lagi sa hagdanan.

He Says, She SaysWhere stories live. Discover now