This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story is still under work of revision. Expect grammatical errors,graphical error,typos and such.
***
Naglalakad ako sa patungo sa faculty bitbit-bitbit ang mga kahon na pinagpatong-patong ko lang upang madala ko. Laman kasi nito ang mga folder at mga papel na ipinasa ng mga pinanghahawakan kong mga estudyante sa iba't-ibang baitang at pangkat."Hi ma'am! Tulungan ko na po kayo!" Sabi ng isa sa estudyante kong lalaki at kinuha ang dalawang kahon mula sa akin,ngayon ay isa na lamang ang aking binubuhat.
"Naku. Buti naman at may nagkusa din! Pinagtitinginan lang ako mula kanina pa eh." Natatawa Kong tugon.
Pagkarating namin sa faculty room ay nagpasalamat akong muli sa kanya at naupo sa aking table. Kinuha ko ang frappe na natira kaninang alas onse ng umaga at sumandal sa swivel chair. "Haaaay! Nakakapagod naman!" Buntong hininga ko.
Natawa naman si Sir Nathan na katabi ko lang at binigyan ako ng tubig ngunit tumanggi ako. "Hahaha. Mabuti nga't hindi nagpapasaway ang mga hawak mo gayong kebago-bago mo palang." Natatawa nyang saad habang nakatingin sa laptop na nasa harap nya.
"Me too. Ano bang pinakain mo at bigla-bigla na lang tumino yung iba? Tindi mo ha." Singit pa ni Ms Lara na nasa likod ko lang. Napangiti ako sa mga puri nila.
Wala pa kasing isang buwan ang tinagal ko sa paaralang ito,madali namang pakisamahan ang estudyante kung maganda ang trato sa kanila,kaya nga laking pasalamat ko dahil halos lahat ng mga mag-aaral rito ay nirerespeto ako.
Napatingin naman ako sa aking wrist watch. "Aynaku! Sa 2-Agila na pala next arrive ko! Sige alis muna ko ha!" Paalam ko habang kinuha ang mga gagamitin kong pangturo.
"Geh good luck! Nakakatakot mga estudyante dyan! Kaya nga sumuko si Mr De Guzman at nakipagpalit sayo!" Pabirong pahabol ni Ms Lara. Tumawa na lang ako at nagmamadaling umakyat papuntang second floor.
Pagkarating ko sa classroom ay napaka-ingay,gaya ng inaasahan ko. Naglakad ako papasok at pinatong ang mga gamit ko sa teachers table. "Good afternoon class!"
Natahimik sila sandali bago itinuloy ang kanilang pag-iingay. Disrespectful.
"Uhm. Class,magsisimula na ang klase,magsitahimik na kayo." Nakangiti Kong pakiusap kaya muli silang natahimik bago nagsibalikan sa kanya kanya nilang upuan.Huminga muna ako ng malalim at nilibot ang tingin. Parang mga barumbado ang iba at err bahala na nga. "I am your new teacher in ESP dahil uhh well,I want here too." Nakangiti ko paring sabi,totoo, marami akong naririnig na rumors na kakaiba daw ang baitang na ito kaya parang na-curious din ako at pumayag Kay Mr De Guzman na makipag-shift sa akin.
"My name is Ms Janin Alcantara,and I'm happy to be with you class."
Tahimik pa rin nila akong pinagmamasdan kaya,hanggang sa nagtagal ay pinagmamasdan parin nila ako kaya nailang ako at nagsulat sa pisara.
I___ and___ yrs old, and I'm happy with my___
Humarap muli ako sa kanila habang nakangiti. "Gusto Kong malaman ang pangalan,edad at kung saan kayo masaya. Parang getting to know each other? So, mag-uumpisa tayo mula sa unahan. Please stand up."
Tumayo naman ang nasa unahan na babae na nakasuot ng malaking salamin. "I'm Hana Gamboa, 14 years old and I'm happy with my books." She said at umupo uli.
BINABASA MO ANG
Forlorn Happiness
General FictionIsa sya sa mga estudyante ko na tinututukan ko ng pansin. Dahil patapon na ang buhay nya. -Ynie