Faye's P.O.V
"Aling lorna, asan na ang anak namin" Tanong ng boses sa labas ng bahay namin.
Sinong anak ang tinutukoy nila? Wala naman akong kapatid na iba, walang ampon si mama. Siguro ay nagkakamali lamang sila.
Ako si Dominique Faye Garcia, petite mabait at tahimik yan ang tatlong salitang laging kasunod ng pangalan ko, minsan kinukwento ng mga baliw kong kaibigan kung paano ako tawaging Angel ng mga kaklase at schoolmates namen, masyado daw kasing malumanay at maamo ang mukha ko.
"Feyyy! Punta ka nga dito sa labas, may sasabihin ako sayo" Sigaw ni mama sa labas, iniwan ko naman ang hawak kong walis tambo. Kasalukuyan kasi akong naglilinis ng bahay namen.
Hindi kame mayaman, sapat lang para makakain tatlong beses sa isang araw, sa isang sikat na private school naman ako nagaaral, hindi ko nga alam kung pano ko napag aaral duon ni mama at papa gayong wala naman silang matinong hanap buhay.
Minsan tinanong ko si mama tungkol duon ang naging sagot lang nya ay "Wala kang pakialam, at magaral kanalang" Malungkot mang isipin pero simula pagkabata wala akong maalala kahit isang beses na ipinakita ng mga magulang ko na mahal nila ako.
Nakakapagtaka dahil lagi nalang nila akong pinapahirapan kahit anak nila ako.
Bumungad saakin si mama na may hawak na walis tingting at mukhang masaya, masayang masaya.
"Anak pumarine ka, may ipakikilala ako sayo" dumako ang tingin nya sa mga kausap nya kanina lang, ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pagtawag sakin ni mama ng 'Anak' first time nya yung itawag sakin.
Nakakagalak palng tawaging 'Anak' sobrang maganda ata ang mood ni mama.
"Faye" Nawala ang atensyon ko kay mama ng tawagin ako ng kausap nya, doon nakita ko sila. mukhang magasawa sila. Bagay na bagay, yan agad ang pumasok sa isipan ko pag kakita ko palang sakanila. Maganda at gwapo sila pareho, at muka pa silang mabait.
Ang swerte ng anak nila.
"Mama sino po sila?" Tanong ko kay mama at binigyan ng matamis na ngiti ang babaeng tumawag sa pangalan ko, nakita ko pa ang reaksyon nya halo halong emosyon. Saya, lumbay, lungkot at pagmamahal. Punong puno ng pagmamahal ang mata nila habang nakatingin saakin, tingin na kahit kelan hindi ko nakita sa mga magulang ko.
"Mahabang kwento faye, pero masaya ako at andito na kayo mr and mrs padilla." sabi ni mama' Sabay bulong ng "Sa wakas mababawasan nadin ang palamunin ko" Sigurado akong hindi yun narinig ng magasawa.
Kinabahan ako sa ibinulong ni mama, ipapaampon nya ba ako? Ibenta? Hindi ko gustong mabeeenta? Kinabahan ako sa sariling imagination ko.
"Faye may sasabihin si aling lorna sayo pero wag kang mabibigla okey?" Nakangiting tanong ng lalaki saakin. Tumango naman ako bilang sagot. Kasalukuyan silang nakaupo sa terrece sa labas ng bahay namin, nakaupo nadin si mama, sigurado akong importante ang sasabihin ni mama.
"Faye, hindi ka namin totoong anak ng papa mo. Sila ang mga magulang mo, ipinagbilin ka nila saakin noong bata kapa sa kadahilanang nanganganib ang buhay mo noon, ngayon magimpake ka na at aalis ka na sa bahay na ito at sasama sa tunay mong mga magulang" Mahabang sabi ni mama at mukhang wala lang ito sakanya.
Ha? Anong sabi ni mama? Wala akong naintidihan. Nanatili akong nakatitig sakanya.
"Ha ha ha. Mama wag kang magbiro ng ganyan" sabi ko kahit alam kong hindi sya nagbibiro.
Agad namang pumitik ang inis at pagkarita kay mama dahil sa sinabi ko alam kong pinipigilan nya ang sarili nya na sabunutan ako.
"Magimpake kana aalis kana sa pamamahay nato faye, naiintindihan mo ba? Malakas ng sigaw nya na ikinagulat ng magasawa sa harap nya.
BINABASA MO ANG
Epitome of a Jerk
Подростковая литератураShe's an angel. My angel. She's my savior to this hell. But since im a jerk, i take her for granted. Now she's gone to me. I'm lost again. How can I go back to her? Damn I miss my angel now. My angel, where are you? Let me seek you.