Chapter 2 Paano

45 1 0
                                    

Tama ba ginawa ko noong nasa club ako? I feel guilty. Pakiramdam ko niloko ko si Hannah kahit na nakipag break na siya sakin. Hindi yon break, tampuhan lang... Buti nalang almost make-out lang yon. Haaayy...

Sabi niya selosa ako, sapat na ba yon na dahilan para iwanan niya ako o meron na siyang ibang mahal?Aminado naman na selosa ako. Ayoko lang may umaaligid sa kanya lalo na kung lalaki o nakikipagtext sa kanya although meron akong tiwala sa kanya. Pero hindi ko parin maiwasan na makaramdam ng sakit. Meron din nanligaw sa kanya. Buti nalang binasted niya agad para sakin. Napagusapan namin na kapag nasa company kami ay magiging discreet ang relationship namin as a couple. Hindi naman kami denial na lesbian sa sarili namin. Pero sanay na kami magayos ng sarili, mag make-up, at magsuot ng dress. Pero ako naman ay occasionally. Mas gusto ko parin ang slacks and polo. 

We practice this kind of relationship for almost 2 years. Mahirap? sobra......  Hindi rin nauso samin ang couple ring. Kasi tatanggalin rin namin yon pag nasa company. Akalain niyo yon natiis namin na magpretend ng ganon katagal. Pati narin sa family niya ay tinatago pa namin ito... Kaya nga we make sure kapag weekends ay nagdadate kami as a "couple". 

Bakit namin mas pinili ng ganitong set-up? Ayokong masaktan siya sa posibilidad na discrimination. Okay lang ako ang makaranas at masabihan ng masasakit na salita sa mga taong makikitid ang pag-iisip. 

 Pagkatapos kong matanggap ang dimploma ko sa course na BS Psychology, saka ako nglakas loob na iladlad sa family ko ang totoong ako. As expected, hindi ako suportado ng parents ko. Buti pa si Ate Yumi, naiintindihan niya ako. Sabi nga niya, hindi mahalaga sa kanya kung sino mamahalin ko. Ang importante masaya ako. Siya lang karamay ko kapag tinotopak ang parents ko dahil lang sa sexual preference ko. Nalungkot ako ng magpakasal na siya at lumipat ng bahay. Dahil ako ang natira sa bahay.  Hindi ko na matiis ang galit sakin ni mommy at si daddy naman ay silent treatment ang ginawa sakin. Humantong narin na pinapili nila ako kung sila o si Hannah. Pinilit ko parin ang gusto ko at pinaglaban ko si Hannah dahil sa kanya ako magiging masaya. Pero kahit ganoon ang ngyari ay mahal ko parin sila bilang magulang. Matatanggap din nila ako, hindi pa lang ito ang panahon.

Simula ng pangyayari na yon ay umalis ako sa puder nila. Nagsimulang maging independent kasama ang mahal ko. Palihim akong tinutulungan ni Ate Yumi mula sa pambayad ng apartment, electric bills and groceries. Nakakhiya man pero kelangan ko. Nagsisimula palang kasi kami ni Hannah na magsama. Kahit na may ipon ako sa totoo lang nahirapan ako. Hindi ako sanay sa mga gawaing bahay lalo na sa kusina. Buti nalang marunong si Hannah sa bahay. Magkatulong kami sa lahat ng bagay.  Siya ang tumulong sakin para makapasok sa pinapasukan niyang  Pharmaceutical Company.

***  

Hay buhay! ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Pano kung iwan nga ako ni Hannah? Diba Chabz di niya tayo iiwan? Ang sobrang namimiss ko ngaun ay yakap niya para sa mahimbing kong pagtulog pero ngaun ang pagiyak nalang nagpapatulog sakin. Ang sakit sakit at ang bigat na ng nararamdaman ko. Binaon ko nalng mukha ko kay chubz habang umiiyak.  

2 days na siyang hindi nagpaparamdam sakin simula ng tinawagan ko siya. But it feels like a years! Sinunod ko ang payo ni Trish na hayaan muna si Hannah. Kahit gustong gusto ko na siya suyuin. Pero meron din akong trabaho na kaylangan bigyan ng panahon.

Kaya heto ako ngaun sa entrance ng company. Hinga ng malalim bago pumasok.. Sana magkita kami sa canteen. Miss ko na talaga siya.  Mas pinili ko gumamit ng hagdan kaysa sa elevator. Mas makakapag emote ako kung maghahagdan ako kaysa naman sa office ko ito ipakita. Kaya ko naman itong akyatin kasi sa 3rd floor lang naman ako. Kaylangan maging professional parin at labas dito ang love life.

I Want To Be With You (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon