Ako si Myrna Reyes. Isang estudyante sa ika sampung grado sa isang pampublikong paaralan. Hindi ako mayaman at pero hindi rin naman mahirap. Kahit ganoon isa ako sa mga matatalino sa aming paaralan. Lagi akong hinahangaan dahil sa katalinuhang taglay ko. Gayunpaman isa pa rin akong palakaibigan at masayahin. Pinipilit kong makipag usap sa iba para naman mawala sa isip nila na porket matalino ay namimili na. Gusto kong baguhin ang tingin nila sa akin para na rin walang mangyaring gulo o kung anuman sa pagitan naming mga estudyante.
Pero kahit palakaibigan ,ako may isang tao akong hindi ko man lang makausap.
At kagaya ko hindi niya rin ako kayang kausapin
Magulo di ba?
School mate ko siya sa paaralang pinapasukan ko. Kapit bahay ko siya at palagi ko siyang nakikita sa tindahan nila sa may court. Nagtitinda siya ng saging , lumpia at kung ano ano pa. Pero kahit na sobrang lapit namin sa isa't – isa eh ni minsan hindi niya ako nagawang kausapin marahil nahihiya siya dahil babae ako at lalaki siya o di kaya dahil matalino ako.
Nung nakaraang buwan, kuhaan ng kard, inutusan ako ng aking ina kausapin siya dahil nakaupo lang siya mag isa sa pagitan ng room namin.Magkatabi lang kasi ang room ko at nung kaniya. Kahit na nung mga panahong iyon ay naiilang ako dahil unang beses ko siyang kakausapin eh sinubukan ko para naman maging kaibigan ko siya.
Kaso dami ng mga sinabi ko eh puro tango at iling ang laging sinasagot niya sa akin at dahil doon hindi ko na siya kinausap. At umalis nalang sa tabi niya.
Sa tingin ko kasi ayaw niya akong maging kaibigan at ayaw niya sa mga taong katulad ko kaya sinubukan ko rin na lumayo at huwag nalang makipag kaibigan sa kaniya.
Kung minsan nakikita ko siyang kasama ang mga kaibigan niyang lalaki at babae na nagtatawanan. Pinagmamasdan ko lang silang nagtatawanan at tumitigil sila pag nakikita ako. Oo naiinis ako sa ganong sitwasyon dahil tingin ko ibang iba ako sa kanila. Iba ang tingin nila sa akin.
Pero kahit anong pilit ko na iwasan tong taong to eh may nagsasabi sa akin na mayroon akong malalaman at mayroon akong dapat tuklasin sa kaniya.
Kagaya nalang nung isang araw, uwuwi ako ng maaga dahil pagod na pagod ako sa dami ng pinagawa sa school. Halos ttambakan na ako ng gawain. Nang papadaan ako ng court nakita ko siya kaso umiwas siya ng tingin. Kaso ang pinagtataka ko nauna siya sa akin. Pero dahil sa pagod ako inisip ko na mabilis lang talaga siya makauwi at excited siyang lumabas ng gate ng school namin.
Nung sumunod na araw , nauna na naman siya sa akin. Mabilis ba talaga tong maglakad pauwi ? at kagaya ng dahilan ko hindi ko nalang yun pinansin at umuwi na ako sa bahay.
Nung sumunod ulit na araw , pinilit kong agahang umuwi kaso nalate ako ng 5 mins sa paglabas. Pagdaan ko ng court wala siya. So tuwang tuwa ako dahil naunahan ko rin siya sa unang pagkakataon. Ang kaso habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay nakasalubong ko siya at nakapambahay kaya naman nadisappoint ako dahil nauna na naman pala siya sa akin.
Halos araw- araw pag umuuwi ako yun ang routine ko. Ang unahan siya sa pag uwi. Ewan ko ba mukha na akong nasisiraan dahil ako lang ang naglalaro sa sarili kong game. Para kasi akong nacucurious kung bakit lagi siyang nauunang umuwi sa amin eh samantalang nakikipag unahan na ako palabas ng gate ng school namin kahit na may mga announcement na sinasabi yung speaker.
At dahil palapit na palapit ang pagtatapos namin sa klase padami na ng padami yung ginagwa namin.Praktis. Paulit ulit na praktis. Kaya naman tinigilan ko yung mga kabaliwan ko sa paunahan sa pag uwi dahil alam kong talo ako dahil halos maghapon ako sa school.