LORENZ's POV:
Naiwan akong mag-isa dito sa private room ni Monnah. Kahit tumanggi na ang doctor, hindi parin pinahugot ni Tita ang life support nya. She's still hoping that miracles will happen.
Five days na s'yang walang malay. Five days na ring walang kasiguraduhan ang buhay nya. Alam kong isang iglap lang, mawawala na si Monnah.
Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. Ang dami kong pagkakamali sa kanya. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad.
"Monnah, nandito lang ako. Hinding-hindi ako susuko. Kahit sa huling sandali, maipadama ko man lang sayo ang pagmamahal ko." Sunud-sunod na umagos ang mga luha ko. Nakita ko itong pumatak sa kamay nya.
"Monnah, please makinig ka. Mahal na mahal kita. Sorry kung... kung hindi ko manlang na sabi sayo. Sorry kung... kung naging duwag ako. Sinunod ko lang ang promise ko kay God na huwag kang mahalin. Pero sorry, hindi ko nagawa. Sa kabila nang paghihirap ko'y patuloy parin kitang minamahal." umiiyak parin ako habang hinalik-halikan ko ang kamay nya.
"Monnah, huwag mo naman akong iwan. Maawa ka sa'kin. Hindi ko kayang mawala ka. Promise, sasabihin ko sayo ang nararamdaman ko gumising ka lang. Monnah, mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko walang iba. Please, nagmamakaawa ako. Gumising kana."
"Sobra akong nag-sisi dahil hindi ko man lang nasabi sayo ang nararamdaman ko. Umalis ka nang may sama ang loob sa'kin. Monnah, sorry sa mga nagawa ko sayo. Ginawa ko lang 'yun para makalimutan ko ang feelings ko sayo." buong pagmamahal na pinisil ko ang kamay nya. Kahit sa ganitong paraan man lang maipadarama ko sa kanya na mahal na mahal ko sya.
Huli na ba ako? Huli na ba ang lahat para sa'min? Talaga bang ito na ang sign na hindi pwedeng maging kami? Pero bakit? Bakit kailangan pa syang mawala sa'kin?
Bigla akong tumayo sabay pahid ng mga luha ko. Tiningnan ko ang mukha nya. Wala man lang kahit konting palatandaan na gising sya.
"I love you, Monnah." pagkasabi ko'y hinalikan ko ang noo nya. Pagkatapos ay agad akong lumabas sa room nya. Sobrang hirap sa'king pagmasdan sya.
Dumiretso ako sa chapel ng hospital. Sa loob ng tatlong araw ay lagi akong laman dito. Ewan ko. Wala na man akong ginagawa. Sadyang dito lang talaga ako.
Tahimik akong nakatingin sa taong nakapako sa krus. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bumukal ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako. Ilang pagkakataon na ba akong ganito?
"Bakit kailangan pa itong dumating sa'min? Bakit kailangan pa s'yang mawala sa buhay ko? Tiniis ko lahat kahit mahirap. Nilayuan ko sya dahil nagbabasakali akong iyon lang ang tamang paraan na mawawala ang feelings ko sa kanya. Nagpanggap akong hindi ko sya kailangan. Nagpanggap akong hindi ko sya mahal. Okay lang na masaktan ako, makikita ko lang sya."
"Pero bakit? Bakit ganito ang takbong buhay na'min? Isa ba itong punishment sa'kin dahil sa pagpapanggap ko? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sayo? Pero parang sobra naman yata 'tong punishment mo. Para naring pati buhay ko nawala narin."
BINABASA MO ANG
Show Me the Way to Your Heart (Completed)
Novela JuvenilLove or friendship? Ano ang mas matimbang? Ano ang mas importante? Handa ka bang talikuran ang love dahil sa friendship o handa ka bang iwan ang friendship dahil sa love? What if you choose... Love? Paano naman si friendship na syang kasa-kasama...