My Practice Teacher (one shot)

111 3 0
                                    

Kinakabahan ako. Aish. Magpe-perform lang naman a, bakit nga ba ko kinakabahan. Pero syete! Hah. Di na talaga ko mapakali. Binuksan ko ang bag ko at kumuha ng isang stick ng sigarilyo. Pampakalma. *sigh* Di talaga ko nagkamali. Ganado na ko sa pagyoyosi ng biglang may humablot ng sigarilyo ko.

"Anu bang problema mo?" Napatingin ako sa lalaking kumuha ng yosi ko.

"Alam mo bang nakakamatay to?" Sabi nya.

"So? Di ko alam, kaya penge na." Inilahad ko pa ang palad ko. Pero instead na ibigay nya, tuluyan nya ng tinapon at tinapakan. Nagulat ako kaya di ako nakapagreact.

"Sa susunod wag ka ng magsisigarilyo, magkakasakit ka sa baga. Yung kapitbahay namin namatay dahil dyan. Sige." Tska sya umalis ng di man lang ako pinagsasalita.

"Argh! How dare you? Wala kang pakialam." Isinigaw ko kahit na umalis na sya.

"DEN!!!"

"Ay kabayong bakla!"

"Di ako bakla oy! Bakit ka ba nagsisigaw?" Sabi ni Jace.

"Wala. Papasok na ko."

Pumunta na ko sa classroom. Kahit na gusto kong magkacutting, di pwedi. Leche kasing lalaki na yun. At ngayun kailangan kong magperform sa music class namin, bwisit na teacher, ako pa binunot.

Naupo na ko sa upuan ko, at dumukdok. Bahala sila.

Z_Z Kaantok! 

"Ms. Denise Medina!" Wala akong pakialam sayo, inaantok ako. *yawn*

"Ms. Medina, this is the last time that I wi--"

"What?" Napakaingay.

"Lagi ka na lang natutulog. Ire-report na talaga kita sa principal sa susunod."

"Sige."

Epal tong bakla na to tinakot pa ko. After ng paggising nya sakin, bumalik na sya sa pagtuturo. Nakakatamad makinig.

"Ok class, hindi matutuloy ang performance nyo ngayun dahil ipapakila ngayun ang magiging teacher nyo, nagpapraktis sila para maging professional. So please, be nice to him, at nakakasalalay dito ang paggraduate nya." Mahabang speech ng adviser ko. -.-

"Him? Waah! Sana pogi." Mga loka loka kaklase ko, narinig lang lalaki tilian na.

"Mr. Mendez, come in now."

Pumasok na nga yung magiging practice teacher namin. Yumuko ako, dahil todo tilian mga kaklase ko, pati tuloy ako nacurious. Pagtingin ko, sana di na lang ako tumingin. Fvck, sya? Yung lalaking pakialamero mag-pPT samin. Asar! Tinitigan ko sya ng masama. At napatingin din sya sakin, pero wala akong nakitang emosyon samantalang ako nanggagalaiti na.

"Mr. Mendez, please introduce yourself."

"Thank you po Sir. Hi everyone! I'm Gian Mendez, your practice teacher, sana matulungan nyo ko kase kailangan ko talaga to para makagraduate, at bilang kapalit tuturuan ko din kayo. Pwedi tayong maging kaibigan sa labas ng school, pero pag dito sa loob, please tawagin nyo kong Sir. Mabait ako sabi nila, friendly din, so feeling ko wala namang magiging problema. Thank you!" Ang daming sinasabi.

"Ok class, iiwan ko na sa inyo si Mr. Mendez, please do respect him."

Pagkaalis na pagkaalis ng adviser namin.

"Sir, sir! Pweding magtanung?" Arangkada na sa pagtatanung mga kaklase ko. Kaya dumukdok na lang ako. Di na ko nakinig.

"Sinu pwedi kong kontakin sa inyo? Para sa mga assignments, or announcements."

My Practice Teacher (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon