XVI. Friends

1.5K 55 0
                                    



Prince Yonard Greffin



Dapat ko na ba siyang katakutan dahil lang dun?



Napailing ako sa sarili kong naisip. Kahit na gaano pa siya kasamang tao, hindi parin 'yun sapat para katakutan ko siya dahil wala naman siyang ginawang masama sa 'kn.Mas naging gusto ko pang nga siyang pansinin e. I just want to befriend of her. Gusto ko lang siyang maging kaibigan talaga. Tumakbo ako at sinundan siya. Medyo malayo-layo na siya sa 'kin.



Ambilis niya namang maglakad...



Hinawakan ko siya sa braso para tumigil siya sa paglalakad at dahilan para mapalingon siya sa 'kin. Malamig lang siyang nakatingin sa 'kin habang nagtataka sa ginagawa kong pagpigil sa kanya. Dahan-dahan naman akong bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya.




"Uhm... ano.. kasi.." nauutal na sabi ko.

Bakit di ko masabi?

"Wala akong maintidihan. Kung wala ka namang sasabihin aalis na ako sinasayang mo lang ang oras ko." walang gana niyang sabi habang malamig na nakatingin sa 'kin.

Bakit ang hirap sabihin na pwede ko ba siyang maging kaibigan? Isang GANGSTER na gustong maging kaibigan ng isang katulad kong NERD? Yeah, how ironic of that! Si Malakas at si Mahina? What the!



"M-may sasabihin kasi ako k-kaya lang di ko m-masabi s-sayo.." nauutal na sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.



"Kasalanan ko 'yun? Tsk. Tanongin mo ang dila mo at bakit nagkadi-bulol-bulol ka dyan." sabi niya at tinalikuran ako. Susundan ko na naman sana siya pero pinigilan ako ng utak ko.



I think it's not the right timing for this. Bukas nalang siguro, nabwe-bwesit ako sa pagkaka utal ko. Psh!




***


Franzine Guillar



Tsk! Ano naman ang sasabihin ng nerd na 'yun? At kailangan pa talaga akong pigilan?



Kung makahawak sa braso ko at saka ano bang gustong sabihin ng nerd na 'yun? Tsk! Bahala na nga siya di ko na problema kung may sasabihin siya na hindi naman niya masabi. Napagdesisyonan kong umuwi nalang sa bahay.
Di ko na gustong pumasok sana nga di nalang ako nag- aral pero di ko naman hahayaang magalit si Mama sakin. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Aling Pacing nagluluto.



"Oh Zi, ang aga mo naman ata ngayon? Tapos na ba ang klase mo?" tanong niya sa 'kin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.




"Tapos na po." pagsisinungaling ko at saka ako tumungo kay Mama.


"Hi Mama.." nakangiting bati ko kay Mama. Ngumiti siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. Napatingin ako kay Aling Pacing ng bigla itong magsalita.



"Mmm.. Zi, konti nalang ang gamot ng Mama mo baka maubos na ito sa susunod na linggo.." sabi niya sakin. Napatingin ako kay Mama na nakatitig sa 'kin alam kong nag aalala siya sa 'kin. Hinawakan ko ang pisngi ni Mama at hinalikan sa noo.



"'Wag po kayong mag-alala bibili nalang po ako bukas." sagot ko. 




Mukang kailangan ko ng laban ngayon kundi bukas para may pambiling gamot kay Mama. Tsk!







KINABUKASAN



Paglabas ko sa bahay ay bumungad sa 'kin si Hazel na parang kinikilig. Tiningnan ko siya gamit ang malamig kong tingin at lalampasan na sana ng pigilan niya ako.




Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon