XVII. Bigbass

1.6K 53 0
                                    





Jam Klein Stewart



Kainis naman itong si FG e! Talagang iniwan pa ako kasama ang babae na'to! Di ko parin nalimutan 'yung ginawa niya sakin noon..



Bakit ganyan siya makatingin sa 'kin? Ba't parang naghihintay siya na may sasabihin ako?



Magso-sorry ba ako dahil nasigawan ko siya nung huli naming pagkikita? Ha!
No way, ako pa talaga ang mag so-sorry?




Kahit na babae siya ay hindi ko parin gusto ang ginawa niya sa 'kin noon.. Di ako magso-sorry dahil kwits lang kami.




"Ah, ge alis nako baka malate pa ako eh.. Mmm... Bye!" paalam niya sakin at inikotan pa ako ng mata.




Psh! Akala mo naman ang ganda-ganda niya e, maganda pa nga si Lexie sa kanya e. Teka? Bakit ko ba sila pinagkokompara?




Namalayan ko ang sarili kong napigilan ko na pala siya bago pa siya makalayo sa 'kin. Napatigil siya at ako naman ay napanlaki ng mata.




Bakit ko nagawa 'yun? T*ngina mo, Jam!





"Bakit?" tanong niya. Binitawan ko naman ang pagkakahawak sa kanya at napaiwas ng tingin.





Bakit ko nga ba siya pinigilan? Ano na ang isasagot ko sa babae'ng 'to? Paano na'to—Ayy alam ko na!




"Hatid na kita." Sagot ko sakanya sabay hagis sa kanya ng helmet. Umuna akong naglakad sa motor ko habang siya naman ay naiwang nakatulala dun.





Oo, ihahatid ko siya at dahil mabait ako ay 'yun nalang ang paghingi ko ng sorry sa kanya. Psh! T*ngina'ng 'yan!




"H-hindi na.. Kaya ko ang sarili ko at saka di tayo close kaya 'wag kang feeling close d'yan!" sabi niya sakin. Inis ko naman siyang nilingon pero masungit lang siyang nakatingin sakin.




"'W-wag kang feeling rin na gusto kong maka-close ka.. Ihahatid kita dahil ayokong iwan ka dito dahil sabi mo nga kanina ay malalate ka na, kaya ihahatid nalang kita.." sagot ko at tumalikod sa kanya saka ko sinapo ang noo ko.




Anong klaseng sagot 'yun, Jam? Tanga-tangahan?




"H-hindi na kailangan kasi kaya ko naman—"




"Aish! Ikaw na nga ang ihahatid ikaw pa 'tong nagpapaka-choosy. Tumanggap ka naman ng grasya'ng amazona ka!" pagpuputol ko sa kanya.




"Huy! Di kita kilala kaya hindi ako tatanggap ng grasya mula sayo!" singhal niya sakin at ibinato pabalik sakin ang helmet bago siya naglakad palayo.




Psh! Grabe talaga ang babae'ng to!




Sumakay ako sa motor ko at sinundan siya habang naglalakad.




"Sakay na nga kasi—"




"Ba't ba ang kulit mo? Diba sabi ko ayaw ko? Bingi ka ba o tanga?" inis na pagpuputol niya sakin. Hininto ko naman sa harap niya ang motor ko.




"Narinig ko 'yun! Ang akin lang naman kasi ay iniwan ka ni FG sakin—"




"Anong iniwan ang sinasabi mo?" takang pagpuputol niya naman.




Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon