ii

221 13 4
                                    

Tapos na ang klase pero nasa loob pa rin ako ng classroom. Di ko pinaalis sina Hunter, Lance at Dexter na may mga pasa sa mukha at putok pa nag gilid ng labi. Humiram ako sa clinic ng first aid kit para gamutin ang tatlong kumag na to. Isama mo pa ang leader na si Tri na nakasimangot.

"Malalaki na kayo. Di na dapat kayo naghaharutan ng ganyan." Sermon ko sa kanila.

Naglagay ako ng betadine sa cotton swab at idinampi sa labi ni Hunter na syang huli kong nililinisan ng sugat.

"Saan ka nagpunta kahapon, Lyx? Nagmamadali kang umalis pagkatapos ng klase ah." Sabi ni Hunter.

"Wag ka muna magsalita. Di ko malagyan ng maayos tong sugat mo. Pumunta ako sa editorial room. Pasahan na kasi ng concept para sa Pluma kaya ayun. Bakit?"

"Wala naman. Di ka kasi namin nakita ng tropa. Hahatid ka sana namin. Akala namin maaga kang umuwi."

Napataas ang kilay ko sa narinig ko kay Hunter. Oo, madalas ko silang kasama dahil kay Tri, natutuwa sila na wala akong ka arte arte pagdating sa gala, pagkain o kung ano man pero ni minsan di nila ako hinatid sa bahay kahit minsan kaya nagtataka ako sa narinig ko kay Hunter.

Sabagay, pinakamapagbiro naman sa lahat si Hunter, pinakakalog at pinakaclose ni Tri sa kanilang magkakaibigan.

Tumingin muna si Hunter kay Tri bago hinawakan ang kamay ko na ikinatawa nina Dexter at Lance.

"Ang lambot pala ng kamay mo, Lyx." Sabi ni Hunter.

"Di paba kayo tapos dyan? I'm fucking hungry! At sana yung nurse na sa clinic ang gumawa nyan. Kaya nga may clinic eh." Kinuha ni Tri ang backpack nya at madaling isinukbit sa balikat bago umalis. Ano bang nangyayari sa lalaking yun? Tinatantrums na naman.

Gustung gusto ko na talaga syang sagutin. Ako na naman ginagawa nyang absorber sa galit nya. Napakabugnutin.

"Hayaan mo na lang sya, Lyx. Kasalanan rin naman namin eh. Minsan lang humingi ng pabor si Tri, di pa namin ginawa ng maayos." Sabi ni Lance na nakayuko. Pinakamabait sa kanila si Lance na akala mo suplado sa una pero ang totoo, likas lang talaga na mahiyain at di sanay makihalubilo sa ibang tao.

"Laro lang naman yun masyado nyang dinibdib. Napaka OA nya." Sagot ko kay Lance.

"Sorry nga pala, Lyx ha?" Sabi ni Dexter na nasa tabi ng bintana.

"Oo, Lyx. Sorry na kahit alam kong kasalanan mo pa--"

"Hunter!" Nanlalaki ang mata na saway ni Lance

"Eto naman. Biro lang. Sorry, Lyx." Bawi ni Hunter.

Di ko nga alam kung bakit nagsosorry sila sakin. O dahil siguro alam nilang nag alala ako ng sobra sa kanila at naabala ako sa kalokohan nila.

*************

Nasa loob ako ng kusina nina Tri at pinapanood sya na maghiwa ng mga sangkap para sa Honey Roast Chicken and Salad na gagawin nya, samantalang pumunta naman sina Hunter, Dex at Lance sa palengke para bumili ng mga kulang pa na gamit.

"Mag usap nga tayo. Ikaw ba yung may kagagawan ng nangyari kina Hunter?" Sagot ko habang inaabot ang garapon ng Nutella sa cupboard.

"Sabi ko na sayo, laro lang yun." Naririnig ko ang mabilis nyang pagtadtad sa gulay na hinihiwa nya. Lalaki man si Tri pero marunong sya sa gawaing bahay, at kitang kita naman yun sa linis ng bahay nya.

"Laro para magkapasa sila sa mukha?" Di ako makapaniwala sa alibi nya.

"What are you insinuating? That I was the one behind it?" May himig hinanakit sa boses nya.

My Best Friend's Girl (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon