"Ali-gator!"
Tawag NIYA sakin. Kabwisit-bwisitan talaga yan! Ako namang uto-uto. Humarap. Pagharap ko..
*dukdok*
"Pisti ka, MONTEMAR!"
Binato ko siya ng eraser at sumakto sa likod niya. Letse ka! Binelatan ako ng loko.
" HAHA! Ang kyut ni Ali! HAHA! "
"Langya ka Montemar sako ka sakin! " Tumakbo siya. Sige.. Takbo lang.. Kung ayaw mong malagas ngayon din ang gwapo mong buhay.
Narealize ko lang. Nasa cafeteria ako. Ako yung MUSE ng SSG. Nakatingin silang lahat sakin. Great! -.- Musta naman ang pagiging 'Poiseful Muse' ko. Salamat kay Montemar.. WALA NA.
"Oh Ali! Musta ang blood pressure natin sis?"
Jusmadre corazon. Buti na lang dumating si Vanilla kundi baka mailibing si Montemar ng wala sa oras.
"Ay nako Van! To the highest pressure na talaga!" sabi ko sabay inom ng lemonade.
"Uyy! Si Jerome Montemar na naman yan nuh?! Yii! Ang cute niyo talaga. " At kinilig kilig pa ang loka. Isa rin tong si Vanilla. Kung di ko lang to mahal. Matagal ko nang sinako.
"Oo! Anukaba sis! Kasuka ka naman! Kami? CUTE?! Isumpa mo sa minions na hindi yan mangyayari!" Pagprotesta ko naman. E kasi naman mga tol, ako at si MONTEMAR?! Never yan! Kung shunga ka at hindi mo maintindihan.. Lipat kana sa mars. -.-
"E? Bagay kayo. ESCORT siya. MUSE ka. GWAPO siya. MAGANDA ka. What else is there?"
Katulad netong isang to.
"NORMAL ako. ABNORMAL siya. Magpa-eye transplant kana sis. Nabubulag kana ata e. Too much heat siguro."
Natawa naman ang lokaret at pinapatuloy namin ang pagkain. Sa totoo lang.. Nasusuka na talaga ako sa mga naririnig ko dito. Pasintabi sa mga kumakain. Pero totoo.. Langya e, puro 'Ang gwapo talaga ni Jerome!' 'Shet gurl! Ang macho pa!' ' Oo nga! Sarap halayin!' *insert malandi tone here* Kadiri yung huli.. Alam ko.
Nang matapos akong kumain, niyaya ko na si Vanilla na bumalik sa room. Pisti kase e. Ka-bleahk!
*
"Hoy Montemar! Uso magpaupo. Layas. Shoo!"
Pano ba naman. Nakaupo sa upuan ko habang nakikipagdakdakan sa barkada niya. Eto namang mga lalaking to makatingin wagas. Parang mananako tapos kakainin ako. Taga ibang section kase yung tropa pips niya. Mga tambat lang sa room.
Biglang tumayo si Montemar at tinakpan ang mga mata ng dalawa niyang tropa.
"Mga tol.. Layas na. Baka matunaw. Ingungudngod ko kayo sa pader."
Agad namang naglayasan yung tropa niya. Teka.. What does he mean by that?
" Oy! Anong ibig mong sabihin, Montemar?"
Nilapitan niya ako ng pagkalapit-lapit. I can feel his breath. Uy. Listerine. In fairness. Napatingin ako sa mata niya. Shet. Kaduling. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Shetnogs! Ano bang balak neto!? Sisigawan ko na sana siya kaso naunahan niya ko.
"Wala. Nainis lang ako. Dami kasing tumitingin sayo e. Kabwisit."
Namula ako sa sinabi niya. Oy puso! Bakit ka ba tumutugs tugs jan! Wag ngayon mahahalata pisti. >.<
Kinurot niya bigla yung pisngi ko.
"Baka matunaw ka kase. Wala na akong maasar! Ang kyut mo Ali!" sabay bitaw at pitik sa noo. May namuong ugat sa ulo ko.
"LETSE KA MONTEMAR! PATAY KA SAKIN MAMAYA!" bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na siya tinatry na habulin kase part siya ng track and field club. May asthma pa ako kaya hindi pwede.
Agad namang sumulpot yung teacher namin.
Mamaya ka sakin Montemar.
*
May short play kami sa Filipino ngayon. Napagtripan ng titser namin ang pag-ibig kaya eto. Nasama kami. At kapag sinuswerte ka nga naman. Kami pa ni Montemar ang magkapartner. On the spot to kaya walang skrip.
Sinimulan na namin ang pagpepresent. Ayos naman so far. Nagpipigil ako ng tawa, ng inis. Hindi ako sanay. Pero.. sanay na akong magpigil ng KILIG. Oo na! Kras ko si Montemar! Gagers lang kasi talaga siya. Tsaka lagi niya akong tinatawan ever since nung first year. Hindi mawawala yung 'HAHA' niya. Kainis.
"Mahal na mahal kita, Ali."
Nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang linyang yan. O Kay tagal hinintay!
"Ma--"
"Okay! Magaling Ali at Jerome!"
Mapapanot kita ser! Bwisit naman oo.
"Nice job Ali. Kyut mo. HAHA"
Hay nako Montemar. Gusto kong tanggalin tang lalamunan mo para hindi kana makatawa pa. Feeling ko kasi hindi mo ko sineseryoso. Kyut mo. Sige! Pano kaya ako maniniwala kung tawa ka ng tawa jan?!
Haaay Montemar!
*
Nakaupo ako sa bench malapit sa may library nang mambwisit ulit si Montemar.
"Ali, ang kyut mo! HAHA!"
Ayan na naman siya! Hindi na ko makakatiis. Hindi pwedeng sumigaw at baka mahampas ako ng Webster's ng librarian namin.
"Bakit ka ba tawa ng tawa Montemar?! May nakakatawa ba? "
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Halos ikamahimatay ko ang sunod niyang sinabi.
"Alam mo ba kung paano magtago ng kilig, Ali? Mahirap diba? Kaya ang ginagawa ko... Tumatawa na lang ako. Ang hindi nila alam.. Sa bawat HAHA na binibitawan ko. Nandoon ang kilig na nararamdaman ko tuwing magkasama tayo. Bakit kita inaasar? Ang sarap kasing pagmasdan ng different expressions mo. Ang cute mo kasi e. Ayan. Nainlove na tuloy ako sayo. HAHA. "
*End*
Ayos? XD Hatinggabi ko to tinype. Hanggang alas dos. Baliw e. Xd Ano pong masasabi niyo? Paki-comment ho. Like ba? Vote please. Ano? Gusto niyo akong makilala? Follow lang. Kunwari close tayo. Ifofollow back kita. Salamat. :D
-DA
BINABASA MO ANG
HAHA!
Teen FictionNo plagiarism. Makakapanot ako. Seryoso. ©All Rights Reserved 2013 DarylLouiseDalisay