ika-limang Kabanata

485 21 1
                                    

Rosalia Lynna

Nakita ko ang lahat. Lahat ng hindi dapat. Sana pala hindi ko na lang sya sinundan para hindi aq nasaktan.

*flash back*

Pagka-alis na pagka-alis ni Wendy sa room namin sinundan ko na sya pero medyo nahuli ako kasi ang bilis pala nyang tatakbo mas mabilis pa ata sya sakin e. Nakarating ako sa room nina Rhianna at nakita kong marami ng estudyante doon.

Nakita ko si Wendy na nakaluhod at nakapatong ang noo sa noo ni Alwina konti na lang maglalapat na ang mga labi nila e. Napangiwi ako hindi dahil sa pandidiri kundi kumirot 'yong puso ko. Habang nakatingin akonsa kanila at iniisip na maghahalikan sila, sumikip at kumirot ang puso ko. Dahil ba gusto kong ako ang naroon hindi si Alwina? Alam kong nasasaktan ako pero mas nasaktan ako noong sabihin nya ang mga katagang hindi ko inaasan.

"Sorry na Al. Please forgive me. Nalimutan kita dahil kay Ro pero, mahal talaga kita. Kaya noong tumawag ka kanina agad akong pumunta dito." Sabi nya tapos ngumiti.

Mahal niya si Alwina kaya dali-dali siyang tumakbo kanina. May relasyon pala sila.

Di ko na nakayanan ang nangyari kaya tumakbo na ako pabalik sa silid namin. Sobrang bilis ng takbo ko parang noon lang pero mali pala ang gawin ang bagay na yun kasi sumakit nanaman ang binti ko.

Kahit masakit hindi ko na yun ininda pa kasi mas masakit ang puso ko ngayon. Ikaw ba? Paano kung marinig mo na may lover na pala yung taong gusto mo, di ba masasaktan ka? Ni hindi ko man lang naipakita ang nararamdaman ko sa kanya. O nasigurado man lang kung attracted nga ba ako sa kanya.

Narito na ako sa loob ng silid namin. Pero di muna ako natulog may mali pa rin sa sitwasyon e. Pakiramdam ko meron silang itinatago kaya ganoon na lang nya prinotektahan si Alwina laban kay Rhianna. Ewan ko ba, malaking porsyento ng utak ko ang nagsasabing lalaki talaga sya pero anong dahilan at nagpapanggap sya.

Aray!

Ang sakit. Yung binti ko sumasakit na talaga. Sinubukan kong umakyat para kunin yung gamot ko, pero ubos na pala. Tsk. Kailangan kong magpunta sa infermary ngayon. Sana nandoon pa si sister Nicean.

Nasa harapan na ako ng pinto at binuksan ko na iyon ng biglang... "Anak ng tokwat baboy na may bangs!" Gulat na sabi nya.

Jabling ka. Sama mo magbigay ng expresion!

Tiningan ko sya ng masama at hinawi ko sa dadaanan ko.

"Umalis ka nga dyan. Tabi nga!" Sabi ko at nilampasan sya.

Nakaka-asar sya. Bakit kailangan pa nyang magpakita sakin ngayon? Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa nya sa akin eh. Ayoko ng ganito. Masyadong nakakapagselos.

Di ko na sya inisip pa at naglaakd na lang pero ilang hakbang pa lang natumaba na ako at napabalik naman sya at inalalayan ako.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Binigyan naman nya ako ng nakakaawang tingin tapos binuhat nya ako.

"Ano baaa.." pinalo-palo ko na sya pero hindi man lang sya nasasaktan. Bakit parang ang lakas niya?

"Dadalhin kita sa infermary. Nandoon ngayon sina Al at Rhianna kaya siguradong nandoon si sister Necean." Sabi nya habang naglalakad sa pasilyo.

"Tumigil ka nga ibaba mo ako." Sabi ko na may pagkabossy. Ganito naman kasi talaga ako e pilit ko lang itong itinatago sa iba.

Hinarap nya ako at tiningnan ng masama.

"Dadalhin kita sa infermary and that's final!" Sabi nya sakin with commanding voice. Kainis sya ang galing nya magpasunod kainis!!!

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon