Ako nga pala si Agatha. Isang dakilang nobody. Ang tawag sa akin ng mga kaklase ko ay nerd, weirdo at kahit ano pang mga negative comments.
I live by myself. Nagtatrabaho ako sa isang carinderia. Hindi naman kataasan ang sweldo ko, pero sapat lamang yun sa pambayad ko sa bed spacer. Hindi ako batang kalye, dahil iniwan ako ng magulang ko sa aking tita.
Ang tita ko. Si Marilou dela Fuente. Siya na yata ang pinaka-masamang tita sa buong mundo. Imbis na alagaan ako ng mabuti, pinapunta na lang ako doon sa bedspacer at saka pinagtrabaho sa isang carinderia. Ayan, may pangbayad ako.
Si Tita ay single mom, kaya't ganto na lang ang pagtrato niya sa akin. Pati 'rin nga sa mga pinsan ko - mga anak niya. Iniwan kasi siya ng asawa niya nang nabuntis siya. Twins kasi ang pinagbuntis niya kaya't nagalit sa mga tao.
Hindi naman yata ako kagalit galit. Ang buong pangalan ko ay Agatha dela Fuente din.
"Agatha! 'Yung bayad mo sa bed space?!" andyan nanaman 'yung nakakainis kong kasama. Siya kasi 'yung anak ng may-ari ng place na 'to.
"Heto."
"Dapat lang."
"Hoy, Agatha. May pera ka ba diyan?"
Mangungutang nanaman 'tong igorotang 'to. Puro bunganga na lang kasi ang inaatupag niya.
"Oo."
"Magkano? Pa-utang."
"Limang piso."
Nakapamewang na siya. "Leche! Niloloko mo ba ako?!"
"Ikaw ang nangungutang, ang choosy mo pa." kinuha ko ang body bag ko at saka nagpunta na doon sa labas. May pasok pa ako.
Naghintay ako sa hintayan ng jeep. Hindi pa ako malelate actually. Maaga pa lang. 6:30 pa lang ng umaga at saka ang pasok namin ay 7:30. Thirty minutes ang byahe, fifteen sa jeep at fifteen sa tricycle.
Pinara ko 'yung isang jeep. Phew, hindi pa punuan sa oras na 'to. "Ma', bayad ho."
"Saan to?"
"Sa Smith High po." umandar na ang jeep at saka nagbasa ako ng isang book. 'Yun yung para sa isa naming subject. Actually, third year high school pa lamang ako.
Matapos ang thirty minutes, nakarating na ako sa Smith High. "Excuse me, andyan na daw ang mga gangsters!" napatingin na lang ako doon sa nagsabi sa akin na nandun ang mga gangsters. Ano ang pakialam ko?
Dumaan lang ako dire-diretso. "Aray!" sigaw ko dahil dinali ako ng isang lalaki sa likod ko.
"Hoy, pangit, sabi na ngang tumabi ka, e!"
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge of Agatha
JugendliteraturSi Agatha, isang nerd na napaka-talino. Biniyayaan man siya ng katalinuhan, ang nasa isip naman niya ay hindi sa mukha. As she venture on her on life, nakilala niya ang lalaking kanyang gustong makasama sa buhay. Makuha niya kaya ang loob ng lalaki...