Sabi nila matalino daw ang palatanong. Tanong ko naman, kung totoo yon bakit nagtatanong pa? diba dapat alam nya mismo ang sagot sa sariling tanong dahil matalino nga sya?
Nacurious tuloy ako kung bakit hubot hubad sina Eba at Adan. Mali po kayo ng iniisip. Hindi sila malibog. Wala pa lang kaseng mananahi non saka di pa naiimbento ang sinulid at butones.
pero buti na lang takot mabasa ang mga pusa kase kung sanay sila sa tubig matagal nang burado ang mga isda sa aquarium dagat ilog etc diba. Wag kayo magtaka at mag-alala kung sa amerika may nagsuswimming na pusa. naka cat food sila. snob nila ang mga isda.
Eh bakit madameng nag eemote pag naulan ? malamang nagbreak ng jowa nung tag-ulan o natanggalan ng bubong ang bahay.
Ang mga lalaki bat may buhok sa kilikili ? Pasakalyeng sagot ko: kase KARAMIHAN (stone stone sa langit tamaay wag magalit) sa mga lalaki tamad maghilod kaya ang ginawa ng dyos nilagyan ng damo i mean buhok para kahit hubad safe pa rin ang sikretong mapa.
Teka, bat ang mga koreano mahilig magpakyut ? Buti na lang bagay sa kanila. Pano kaya kung mga africans ang mag gwiyomi ??
Ito ang ipinagtataka ko. Bakit ang mga chinese japanese korean taiwanese vietnamese mga singkit ? Tayo hindi. Eh asean din naman tayo ah.
Oh eto alam nyo naman siguro ang huling el bimbo ni ely buendia ? Atin atin lang to ha. Ang totoo gusto lang tsumansing nung lalaki sa babaeng kamuka ni paralumang di ko kilala.
biglang umeksena yung sinabi ni pareng jay contreras kay darna. Sa likod ng mga tala kahit sulyap lang. May tala sa damit ni darna. Gets mo ? dapat open minded dre.
Naisip ko bakit ang sarap kagatin ang labi hanggang sa mapuknat yung balat ? Sabi tuloy nung nakakita,"oy dumudugo yung lips mo", gusto ko sana sabihin "ano naman sayo? Gusto mo pati iyo kagatin ko ?"
Bilib naman ako sa gumawa ng dictionary. wait. Sino bang merriam ? Defensor o Quiambao ?
Eto ang masaya. Langya utas ako kay papa Dan (sumesegwey) sa Wanted Sweetheart gabe gabe. Yung tawa effects pa lang sa background lol na ko. naisip ko lang panu kaya kung fafable si kuya tapos si ate bakulaw tapos nag eb sila diba ang awkward? Sabagay problema na ni kuya yun. #mema
Come to think of it, pag si vice ang nagjoke nakaka-offend daw, nakakasakit daw ng iba pero diba lahat naman ng comedians pang-aasar ang bwelo? Opo fan po ako ni Vice. Obvious ba?
Pero nagtataka kayo kung bakit may kuko sa kamay at paa. Simple. Para may trabaho ang mga manikurista.
Pansin nyo ba bat ang ballpen tinawag na ballpen eh wala namang ball ? Pen lang. Bastos siguro ang nakaimbento nun.
ang malupit lang nito, ang mga bida pag nabaril buhay pa pero pag kb dedo agad o kaya laging madadapa si bida. Wag magtaka kung tanga ang mga bida. Bida nga eh. short for -being dakila-
Pansin nyo ba ba kalokalike ni teddy corpuz si LA tenorio ? Di kaya mag utol sila? Eh kaanu ano nila si squidward ? iklaro ko lang. Fan din nila ko.
sa cloud nine diba isa lang naman ang cloud dun bat naging nine ? Di marunong magbilang yung gumawa ?
Ang mga babae laging si Turn off ang sinasabi pag may nakitang pangit. Kelan pa naging switch ang mukha ?
Lahat daw ng anghel may bilog sa ulo. Eh di pati yung nasa dragonball na parang bubuyog na green na may bilog din sa taas anghel din ? Eh bakit muka syang demonyo ?
Ang 666 daw number ng demonyo. mobile o landline ? May signal pala sa impyerno ?
Bakit lapulapu ang pangalan ng isang isda? Meaning nang mamatay si lapulapu naging isda sya ?
Ang bampira mahilig sa dugo. Kaanu ano kaya nila ang mga lamok ?
Singit lang: kung hindi kaya namatay si rico yan sila pa rin kaya ni claudine ?
Ang mga chinese pag nagdala ng shabu sa pinas nakakalaya pero pag pinoy nahuli sa china bitay si kuya. tsk dapat bitayin din sila. masabi lang.
Ang babae pag nagyoyosi parang sosyalerang astig pero bakit pag lalaki parang addict ?
Ang bakla daw, sirena. Eh ang tomboy syokoy ?
Si sisa nagpakahirap tawagin ng tawagin sina basilio at crispin. Hindi na lang ipina blotter.
sa candy crush, ano ba talaga si yeti ? Ibon unggoy baboy tupa o oso?
Ang kapre at dwende kaya nagkakagustuhan din ? Eh diba opposites attract ?
sa keyboard, nasan ang key?
Bakit hindi na lang sampu ang buhay ng mga pusa?
Sino kaya si bob ong sa tunay na buhay? Gwapo kaya sya?
kung mapaipot kaya ang ibong adarna sa sariling katawan nya magiging bato din kaya sya?
takot din kaya ang mga aswang sa sibuyas?
Si eba kaya anung ginagamit during red days?
Pag naliligo kayo anung una nyong ginagawa, magshampoo o sabunin ang katawan?
Magkaanu-ano sina chris brown, charlie brown at dan brown?
bakit pag nagpapagupit parang nakikiliti yung balakang?
Ang mga multo bakit laging nakaputing damit na malinis pero ang mukha naman gusgusin?
Anong hayop ang pinapawisan?
Pag bukas nyo ng tv anong una nyong pinipindot volume o channel?
Ilan kaya ang populasyon ng mga langgam sa buong mundo?
Panu kung makulong kayo sa nakakandadong bodega anung una nyong gagawin? Sisipain ang pinto o iiyak?
Kung isa kayong artista saang network kayo magtatrabaho?
alam nyo kung bakit dalawa lang dibdib ng mga babae? Kase dalawa lang ang kamay ng mga lalaki.
Sa the last supper, anong dessert nila?
bakit maraming bumoto sa eat bulaga pero ang sinasayaw namay gimme gimme.
bakit ang hangin hindi nakikita?
pag ikaw ay pinagtatangkang gahasain, wag ka muna manlaban. kunwari gusto mo din. Pag nalinlang mo na sya saka mo sipain sa balls sabay takbo o maghanap ka ng bagay na pangdepensa.
Gano kalalim si Johnny Depp?
bakit si Marie araw-gabi walang bleep?
ilang minuto ang pelikula ni ramon bautista na san lazaro?
Sa music video ng gayuma ni Abra ano kayang pangalan nung magandang babae na tindera ng palamig? Nakakatomboy eh.
si blank tape anung side? Side a o side b?
Bakit sina gloc-9, nina, jay-R, kayla, karylle walang apelyido?
bakit ang dami nilang mahilig sa mga vampires characters? team jacob pa rin kase. Obvious ba?!
Bakit pag mabaet madaling mamatay?
Bakit hindi na lang muling na nabuhay si casper?
pag mamamatay na kayo anung gusto nyo: cremate o libing? ako cremate. ayokong uurin ;<)
Kung kayo si jules verne sang mga bansa kayo pupunta in 80 days?
Sa fiestahan, anung una nyong sinasandok? Kanin ulam o dessert?
Bakit ang oliveOffice premium app laging si force close?
bakit ang mga lalaki hindi makuntento sa isa??
bakit ang mga mahihirap anak ng anak tapos magpapaawa, lalo daw silang naghihirap..tsk
bakit ang dameng tanga???????
baket??????
BINABASA MO ANG
Kuru-kuro ni Pedro Pilosopo
HumorKatulad ka ba ni Pedro Pilosopo na curious sa mga bagay bagay? Nagtataka kung bakit hindi naliligo ang mga pusa, kung bakit may buhok sa kilikili ang mga lalaki, kung bakit hubot hubad sina Eba at Adan etc,etc. Usapang katangahan lang dre. Bawal ang...