V: The Better Bitch vs. The Queen Bee

188 27 9
                                    

Eskar's PoV

July 17, 2014





"Kuya bakit ka may sugat sa pisngi?" tanong ko sabay hawak sa pisngi niya.

"Ahh wala. Kahapon kasi napatakbo ako dahil sa mga asong handa na akong 'kagatin'."

"Bakit? Ano na namang ginawa mo?"

"May kailangan lang ako protektahan at magpakatotoo." sagot niya.








"Bago matapos ang lahat. May gusto akong sabihin say--" May tumawag bigla kay Kuya.

"Max! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Kuya kay Ate Maxine.

"Felix. Delikado na tayo! Sinusundo na tayo ng Nex. Kailangan na nating magsumbong kaagad sa mga pulis hangga't maaga pa. Kung sana hindi nangeelam si Cristine. Okay na, tapos na ito."

"Maxine! Nandito si Eskar!"

"Pasensya na pero kailangan na nating umalis." utos ni Ate Max.

"Kuya. Ano ba yung sasabihin mo? Ituloy mo na. Tsaka anong ibig sabihin ng matatapos na ang lahat?" sunod sunod kong tanong.

"Felix! Halika na!" sigaw ni Max.

"Ah-eh." Ang tangi niyang nasagot.






Hinalikan niya nalang ako sa noo at nagpaalam. "Pasensya na Felix. Baka huli na natin itong pagkikita." Naluha siya bigla. "Kuya bakit? Sagutin mo ko!" sigaw ko sa kanya. Nagbigay siya ng kakaibang susi.

"Bungkalin mo ang lupa sa gilid ng puno sa bakuran. May box na nakalock. Ang susing yan ang magbubukas. At malalaman mo kung bakit kita iiwanan. Para sayo at sa pamilya natin." sabi niya sabay ngiti.

Tumayo na siya at palabas na ng pinto.






"Alam mo kung bakit pinapagawa ko sa iyo ang mga ganitong bagay? Para sa susunod ikaw ang magpapagawa ng ganitong bagay. May mga bagay na sikreto sa una pero kailangan mabunyag dahil maari kang iligtas o maari ka ring ikapahamak." Ang huli niyang nasabi nang makalabas na siya ng pinto at bumaba ng hagdan.

Naiwan ako mag-isa sa kwartong nakatulala. Biglang tumulo ang mga luha ko at namuo ang galit sa dibdib ko. Nahagis ko ang susi kung saan man. Galit ba ako dahil sa iniwan ako ni Kuya o nagagalit ako dahil bakit siya nagkaganyan?






Lumipas ang maraming oras na nakatulala lang ako, maraming tanong ang nabubuo sa isip ko. Namalayan ko bigla na gabi na.

Napagdesisyunan ko na tignan ang sinasabi ni Kuya. Hinanap ko kung saan ko nalagay ang susi na binigay niya sakin. "Nasaan na ba yun?" Sa wakas, nahanap ko na rin. Hinawakan ko ito ng mahigpit. "Kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para malaman kung anong nangyayari at bakit nadamay si Kuya Felix."

Umuulan sa labas kaya kinuha ko ang jacket. Dumeretso ako sa bakuran namin at hinahanap ang nag-iisang puno. Kinuha ko ang pala na nasa loob ng shed.






Mas lumakas pa ang ulan kaya minadali ko ang paghuhukay. Nang makita ko na ang sinasabing chest ni Kuya kaya kinamay ko nalang ang pagbungkal. Kinuha ko na ito at pinasok sa loob.

Nilapag ko ito sa lapag ng kwarto namin, napansin kong sobrang dumi nang dinaanan ko. Kaya nag-mop muna ako. Pinadaanan ko lahat ng sahig ng mop. Habang nagma-mop ay may nakita akong nakatayo sa labas ng bintana. Dahil malaki ang bahay namin, mala-dingding na rin ang bintana kaya imposibleng guni-guni ko lang.







Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon