THE BEGGINING
Joan
Paano kaya ang magmahal? Paano kaya ang masaktan? Anong feeling na masaktan? Anong feeling na magmahal ng tunay?
Ang hirap
Totoo ba yung forever? Nakakain ba yan? lugar ba yan? maswerte siguro ang taong nakakaalam niyan. Sa Kanila Siguro meron, sakin ? Hindi yan nag-eexist.
Akala ko nga nag eexist yan sakin eh. Akala ko may FOREVER,
Pero wala
Walang-wala talaga.
naniniwala naman ako sa pesteng FOREVER na yan Noon. yes noon, noong nainlove pa ako, noong minahal ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. yung forever ko sana.
Walang iba kundi si Resmar Fabroa.
Noong grade 7 pa kami, hindi ko siya napapansin kahit magkaklase kami. ganun din siya sakin. Siya kasi yung tipong nakakairita, mayabang, boastful at higit sa lahat,
He's my dearest enemy.
Ewan ko ba Kung Bakit nalaman na niya ang existence ko. Hindi naman ako yung tipong mahinhin at Hindi nagsasalita sa klase. marami naman akong mga kaibigan. it started when his friend has a crush on me. simula no'n palagi na siyang nagpapansin. Yung KSP ganun. Kulang sa Pansin.
"Ooy Joan ! si Ariel oh may crush sayo!"
Hindi ko yan makakalimutan. tuwing binabanggit niya ang pangalan ng kaklase namin ay kumukulo na agad ang dugo ko.
I hate him.
Ayaw ko talaga sa kanya. One day hindi na siya nagpapansin sakin. I'm happy for that. but sa kasamaang palad, isa na namang nakakairitang Tao ang dumating sa Buhay ko.
Si Viel.
Kaklase ko din siya. Sabi nila may crush din daw siya sakin. oh diba haba ng hair ko?
Pero si Viel ata ang pinakamalala. araw-araw siyang nangungulit sakin. kapag may kasalanan siya ay sinusundan niya ako hanggang sa maka-uwi na ako sa amin.
"Uy sorry na please? hindi ko sinsadya"
"Heh! anong hinding sinasadya!? araw-araw mo na yang ginagawa!"
Ang Hindi ko inaasahan ay ang pagluhod niya sa harapan ko. First time in history yung ginawa niya.
Ginagawa niya yan hanggang papalapit ang summer. Napagod ata sa kakabuntot sakin kaya Hindi na siya nagpapansin sakin.
No'ng nag Grade 8 na kami, Hindi ko inaasahan na ang pinaka ayaw ko na Tao ay naging kasundo ko. imagine? naging friend ko si Viel? no. scratched that. Naging BestFriend ko sya.
What a joke.
"Class, This coming English Festival you will have a jazz chant. you will presented it by class."
So ganun na nga, may Ipepresent kami na jazz chant.
Hindi ko inaasahan na maging ka partner ko siya.
Si RESMAR
"Oy! ayusin mo nga!"
"Haha!"
Yan ang parati naming tinatalunan kapag nagpapractice kami. Talagang inaasar niya ako. Kapag galit ako ay tinatawanan niya lang ako. Hindi Lang yan, minsan pinupokpok ko ang ulo niya at ganun din siya sakin. minsan I punched him when sobra na. ganun din sya pero Hindi niya ako sinasapak.
Kapag may practice kami ay alam na alam ko na ang mangyayari. saulo ko na ang mangyayari. Sa 1week na pagrerehersal namin ay lagi kaming nag-aaway. himala ata Hindi siya pasaway ngayon. Seryoso siya. Baka seryoso siya dahil bukas na ang contest.
BINABASA MO ANG
11 months (One shot)
Short Storyminahal mo at sineryoso, tapos malalaman mo na lang na ginagago ka.