Nang tumunog ang grandfather clock malapit sa may bintana sa kwarto namin ni Jasper ay dumilat na ako at nilinga ang natutulog na Asawa ko.
Nakatalikod ito sa akin.
Napapangiting nahaplos ko ang likod nito at nilapit ang katawan ko para damhin hanggang sa huling sandali ang init nang katawan nito.
Thankful ako dahil sa nakaraan mga araw lagi sya sa tabi ko pati na din si Princess....
Napadali na makalimutan ko kahit sandali ang biglaan na pagkamatay ni Papa dahil nandyan sya palagi at dinadamayan ako.
I will terribly miss them....napapikit ako pagkaisip na Iiwan ko na silang mag ama.
This is for the best... I love you so much my Jasper.....niyakap ko si Jasper nang mahigpit at hinalikan sa pisngi pagkaraan ay maingat na bumangon ako sa kama namin at tahimik na humakbang papunta sa may pinto at maingat na binuksan ito at lumabas na.
This is it....wala nang atrasan ito... napapangiting naisip ko at bumaba na sa hagdan papunta sa pinto palabas ng kabahayan.
Napayakap ako sa sarili ko at napapikit nang sumalubong sa akin ang lamig na hatid nang madaling araw.
Nilalamig na binuksan ko na ang gate at pagkaraan ay pumunta na ako sa sasakyan ko at sumakay dito at sinimulan nang paandarin.
Pagkaraan ay nagsimula na akong magdrive papalabas sa garahe nang bahay namin.
Bumaba uli ako saka nagmamadaling sinara ang gate at muling sumakay sa sasakyan ko.Kailangan bago mag one nasa bahay na ako namin para masundo ang Mama ko at makapunta sa airport para makaalis na kami bago mag six nang umaga.
Nakalabas na ako nang subdivision at binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan nang wala naman na akong nakitang kasunod ko dahil sa nagmamadali nga ako dahil Twelve thirty five na.
"Mama...." nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko sa salamin na nakatayo si Princess at nagkukusot ng mga mata gamit ang dalawang kamay.
"Princess!" Nilingon ko ito dahil baka namamali lamang ako nang tingin pero hindi eh...
Si Princess talaga ito eh!!!
"P---princess what---bakit ka nandito di ba iniuwi ka na nang Daddy mo sa mga Lola mo?" Nagtatakang tanong ko dito at hininto sa tabi ng daan ang sasakyan.
Ngumiti ito saka umiling sa akin at lumapit sa akin at yumakap sa driver seat.
"Mama aalis ka? Sama ako Mama kaya balik ako sama ako sa Papa" nakangiting sagot nito sa akin.
"Alam ba nang Daddy mo yan?" Tanong ko dito.
Umiling ito sa akin.
"Punta ako sa Car ni Papa tapos higa ako tapos, tapos di naaalam ni Papa tatama ako Mama tati tama ako ta'yo Mama" bumungisngis ito.
Agad na nagpanic ako sa sinagot nito.
God....... malaking gulo ito pag nagkataon!
Baka akalain nila kinidnap ko si Princess.
"Princess punta ka dito sa harap at kakabitan kita nang seatbelt" utos ko sa bata.
Agad naman na tumalima ito.
"Mama tan ka pupunta tama ako ha" malambing na sabi nito saka dumukwang para halikan ako sa pisngi.
God .....napakatalinong bata ni Princess talaga!
Ngumiti ako dito at saka tumango.
Well dapat ang unang gawin ko ay bumalik sa bahay at inuwi si Princess.
Dapat matawagan ko muna si Mama na baka pwedeng sa ibang araw na lang namin ituloy ang lakad namin dahil humahabol si Princess....tama yun na lang ang dapat na gawin namin... tumatangong naisip ko.
"Mama batit ka tatango mag ita?" Nagtatakang tanong ni Princess sa akin.
Ngumiti ako dito at hinaplos ang chubby nitong pisngi.
Nakakatuwa talaga sya.... minsan bulol...minsan diretsong magsalita...napakahirap bolahin na bata....
"Here" sabay abot ko dito nang cellphone ko. " press the speeddial number one at matatawagan na natin ang Lola Pricilla" malambing na utos ko dito.
"Si Lola Ganda" tuwang bigkas nito at agad na kinuha ang cellphone ko at priness agad ang button na inutos ko na pindutin nya.
Napangiti ako at saka sinimulan nang imaniobra ang sasakyan para makabalik na kaming dalawa sa bahay namin ni Jasper.
"Mama nagriring na po" ani Princess na tinanggal ang seatbelt nya...
See.... napatalino talagang bata .....alam kung papanu tatanggalin ang seatbelt...unlike other child na ka age nya....dapat masabi ko kay Jasper na magpalagay sya ng child safety chair sa sasakyan nya next time para sa safety ni Princess.... naiiling na naisip nya at nakita nya na tumayo na agad ito sa kinauupuan nito at dumukwang palapit sa akin."Hello Themarie nasan ka na?" Nadinig ko na tanong ni Mama sa kabilang linya.
"Ma...sorry pero kasi may emergency na nangyari...Iprosponed na lamang natin ang flight namin at Ipareschedule na lang natin next week" sagot ko dito habang iniikot ko ang sasakyan.
"Why Themarie may nangyari ba?"
"Lola!" Sigaw ni Princess na kinatawa ko.
"That is the problem Ma,di ko alam na nag sneak pala sya papunta dito sa Car ko kaya dapat bumalik kami at baka nag aalala na ang Tatay nitong Apo nyo" natatawang sagot ko habang nakatingin sa kalsada.
"Oh! Just like you Darling remember the time na nag sneak ka din sa Car namin nang Papa mo dahil gusto mo na sumama din sa tagaytay" natatawang sabi nito.
"Ma naman naalala mo pa yun" natatawa din na sagot ko dito.
"Why naman darling eh yun ang Isa sa mga naunang mga nagawa mong kakulitan...." huminto ito sa pagsasalita. "You don't know pero your Papa love your antics and naughty clever ways of seeking his attention" garalgal na ang boses dagdag nito. "He is so proud of you darling" naramdaman na parang mahapdi ang mga mata ko senyales na tila maiiyak na ako pagkaisip ko sa Papa ko.
Napapangiti din ako pagkaisip sa mga pinaggagawa ko nun maliit pa ako.
Narun na umakyat ako sa puno sa may subdivision namin at di ako bababa hangga't di sya umaakyat pati na ang pagpunta ko sa opisina nya at pagtungtong sa Reception Desk para mapalabas sya sa mga meeting nya para maipagmalaki ko lamang na nakakuha ako ng matataas na marka sa mga test ko pati na ang mga drawing ko na lagi kong dinadala sa opisina nya at pinapadisplay ko sa kanya....Nakakamiss na bumalik sa mga panahon na yun....
Yun mga time na wala pa akong muwang sa mundo at sa Papa at Mama ko lamang umiikot ang mundo ko....
Walang Jasper....
Wala ang masakit na katotohanan na di nya ako kayang mahalin kahit kailan at kailangan na palayain ko na sya para maging masaya sila ni Princess...
"Mama may Truck!" sigaw ni Princess sabay turo sa truck na mabilis ang pagpapaandar kaya dali daling binilisan ko ang pagmamaniobra pero huli na at tinamaan na ang sasakyan namin kaya naman agad na nayakap ko si Princess para di sya masyadong masaktan hanggang maramdaman ko na lamang na nagdilim na ang lahat....
"Hello Themarie anak! Sumagot ka!" Nadinig ko na sigaw ni Mama pero di ko magawang sumagot....
Mama.....
Princess.....
Jasper.....
Ayaw ko man pero napapikit na ako nang tuluyan......