Chapter 17

6.5K 207 17
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 17....

"Come apo let's go somewhere else first, let mommy and daddy talk for a while!" yaya ni Don Edmundo sa kanyang apo.

"Where do we go grandpa?" tanong naman ni Elizabeth.

"Ihahatid na kita sa school mo para makapasok ka ulit" sagot naman ni Don Edmundo.

"Yes baby, I will pick you up later pagkatapos ng klase mo" wika naman ni Elly saka nito niyakap na muli ang anak at pinaghahalikan sa pisngi.

"Okay po daddy, I will wait you there!" masayang sagot ni Elizabeth saka humalik sa pisngi ni Elly.

"Sure baby ko, I just want to talk to your mommy" nakangiting sabi ni Elly saka hinaplos haplos nito ang buhok ng anak........"I love you anak!" sabi pa nito at muli na naman niyang  ng mahigpit na para bang bumabawi sa tagal ng panahon na hindi niya ito nakita.

"Sige Mr. Nicolas, aaalis na kami at mag usap nalang kayo ng masinsinan. Wag ninyong daanin sa bangayan, pag usapan niyong mabuti kung ano ang nararapat para sa bata" paalala ng Don kay Elly.

"Opo Don Edmundo, at wag na wag kayong mag alala dahil hinding hindi ako gagawa ng isang bagay na salungat kay Czarinna"

"Salamat kung ganoon iho, sige at ihahatid ko na si Elizabeth para hindi siya mahuli sa klase" paalam ng Don at saka tiningnan ang oras na noon ay ten minutes more before ten o'clock.

Matapos maibihos ni Czarinna ang lahat ng emosyon sa kanyang dibdib ay muli niyang inayos ang sarili. Naghintay muna siya ng ilang sandali saka nito pinakinggan sa labas at wala na siyang nauulinigang anumang ingay kaya sa akala niya ay wala ng tao.

Dahan dahan niyang pinihit ang door knob ng pinto ng toilet at saka lumabas ito. Nagulat siya ng makita si Elly na nakaupo sa may silya sa harap ng kanyang mesa. Akala niya ay wala na ang binata, ang ama ng kanyang anak ngunit naroroon parin at parang siya talaga ang hinihintay kaya naman biglang sumalakay ulit ang kaba sa kanyang dibdib.

"Na-nasaan si Elizabeth?" agad na tanong ni Czarinna kay Elly para kahit papaano ay maalis ang kaba sa  kanyang dibdib.

"Inihatid na ng daddy mo sa school niya" mahinahong sagot ni Elly na walang kakurap kurap na nakatitig kay Czarinna habang ito ay patungo sa kanyang mesa.

"Ga-ganoon ba!." kabadong sabi ni Czarinna at hindi ito makatingin ng deritso sa binata dahil ang titig nito sa kanya ay para bang sinusuri siya hanggang sa kaloob looban niya......."Si-since you are here, pag usan nalang natin ang tungkol sa Villa Resort" alanganing wika ni Czarinna sabay kuha nito ng brown envelope na kung saan nakalagay ang mga detalye para sa bagong proyektong gagawin ni Elly.

"No Czarinna!.." mariing tanggi ni Elly......"Gusto kong pag usapan natin ang tungkol sa ating anak, Gusto kong ilagay ang lahat sa tamang lugar!" waring nakikiusap na sabi ni Elly.

"W-what do you mean?" kaylalakas ng kabog ng dibdib ni Czarinna ng sandaling iyon dahil parang nahuhulaan na niya ang sasabihin ni Elly.

"Czarinna, I want to have a happy family. Gusto kong buuin ang pamilya na pangarap ko" madamdaming pahayag ni Elly saka nito ginagap ang kamay ni Czarinna.

"E-Elly, hi-hindi pu puwede!.." sagot ni Czarinna sabay iling nito.

"Bakit hindi? Wala namang maapektuhan diba? I mean is, you are not in relationship with someone else?" sunod sunod na tanong ni Elly habang nakatitig parin sa magandang mukha ni Czarinna.

"I'm not ready for this Elly, siguro ay mas mabuting magkaibigan nalang tayo. Sapat na sa akin na nagkakilala kayong mag ama at nagkakaunawaan tayo tungkol kay Elizabeth." buntong hiningang sagot ni Czarinna.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon