CHAPTER 22 [Awaited Scene]

374 10 8
                                    

|Meiko’s POV|

Grabe naman makakaladkad tong lalaki na to! Hmp. Siya na nga tong nang-titrip kanina eh. Ang lapit lapit niya na kaya sakin kanina! Buti nga at nakapagpigil ako kung hindi hinalikan ko na siya eh!

Ay?!

Erase!

Eh lintek kasi tempting yung lips niya eh! Tsk! Lapit lapit pa kasi siya eh. Alam na nga niyang crush ko siya, tatanungin pa ko! Sa ganung paraan pa.. Kung alam niya lang gaano ako kinikilig kanina no. Kaso, bigla siyang natulala nung sinabi kong crush ko siya.

Ano kayang problema nun?! Weird.

Ngayon naman hinatak hatak ako at mag-mamall daw kami. Gutom na daw siya! Aish. Pero mall?

>////////<

Parang mag-dedate lang kami nun ah?! WAAAAAAAAAAAAH!!!! O////O

Malling with my ultimate crush! GRABE! Kung nasa harap ako ng laptop ko ngayon, malamang status ko na to! Pero hindi rin, friend ko na kasi si Matthew sa facebook eh! Nakakahiya na. Huhuhu.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!!

“AY FACEBOOK!” Sigaw ko sa gulat ng biglang may bumusina ng malakas.

“HAHAHAHAHAHA!”

Napatingin ako kay Matt. Hala siya oh? Halakhak ng halakhak! Ano na naman bang nangyayari dito sa asawa kong ito? Masyado ba siyang masaya na kasama niya ko? Haha! Asumerang gaga.

Pero bakit nga kasi tawa ng tawa? Habang tumatagal pa weirdo ng pa weirdo to ah! Nahawa sakin? Oh noes.

“Anong tinatawa tawa mo jan ha?” -_^ Taas kilay na tanong ko.

“Haha! Pft.. Eh kasi kanina pa kita tinatawag! Kanina pa tayo dito sa parking hindi mo pa din ako nililingon. Kaya bumusina ako. Haha!” Tatawa tawang sabi niya.

“IKAW YON!?” Sigaw ko sa kanya.

“Haha—pft. Tara na nga!” Imbis na sagutin ang tanong ko, bumaba na siya ng sasakyan na ngingiti ngiti pa din.

Aish! Ang lakas lakas ng busina eh! Kaso nakakahiya. Tulala na naman ako. Gara naman! Pakingshet naman oh. Kelan ko ba makokontrol ang sarili ko kapag kasama ko na tong lalaking to?!

“Tsk. Lika na. Wag na kunot noo mo. Pangit mo diyan eh. Haha lika na!” Sabi niya sa akin pag-bukas niya ng pinto ng sasakyan niya.

Oo nga dipa pala ako bumababa. Haha!

---

“Saan tayo?”

Nagulat ako sa biglang tanong ni Matthew sa akin. Saan daw kami?! Edi ba kakain daw siya? Bakit ako ang tinatanong niya kung saan? Aish (_,_”)

“Bakit ako ang tinatanong mo?! Diba ikaw kakain?” Sabi ko naman sa kanya.

“H-ha?! Hahahaha oo nga pala! Pero nawala yung gutom ko eh. Nabusog ako sa sasakyan. Tara laro na lang tayo!” Weirdong sagot niya sabay hinatak na naman ako.

Ako talaga naguguluhan na ha? Nabusog sa sasakyan?

WTF?!!

Tapos kanina pa hatak ng hatak sa akin! Aba kahit crush ko siya, hindi niya dapat ako abusuhin no? Hindi niya ba alam na nahihirapan ako sa ginagawa niya?

KINIKILIG KAYA AKO! Ikaw ba naman hatakin ng crush mo eh. Hirap kaya itago ng kilig..

>//////<

How I met my Facebook CRUSH ♥ [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon