Bea's POV
Sabado.
Ang korni at boring ng araw na 'to. Nandito lang ako ngayon sa condo ko.
Gusto kong lumabas pero wala akong kasama kaya dito na lang ako. Si Jade kasi kasama niya si Shawn ngayon e.
"Hay..." sabi ko na lang at saka isinalampak ang sarili ko sa couch. Inabot ko ang remote at binuksan ang T.V.
Naghahanap ako ng magandang palabas nang magvibrate ang phone ko.
Napasimangot ako nang makita kung kanino galing ang nagtext.
Mom
Let's skype hon. I miss you.
I'm busy.
Namimiss niya ko pagkatapos niya akong ipagpalit sa lalaki niya.
Pagkatapos kong i-send ang sms ko kay Mom ay pinatay ko kaagad 'yung phone ko.
Nabadtrip bigla ako.
Nakaalis na nga lang dito. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang tuwalya para maligo.
Pagkatapos kong magbihis ng black shirt on top, short and converse ay agad kong kinuha ang sling bag ko at umalis.
Kahit na tirik na tirik ang araw ay lumabas pa rin ako ng condo. Gusto kong mag-mall.
Sumakay ako ng taxi.
"Saan po tayo ma'am?"
"DC Mall po." sagot ko
Trick's POV
"Ivan! Pinapapunta ka ng daddy mo sa company natin!" sigaw ni mommy habang niyuyugyog ako.
Takte! Sadabo naman ngayon ah! Bakit hindi na lang ipaubaya sa akin ang araw na 'to? Tangina!
Nagtaklob ako ng comforter ko. "Inaantok pa ko Ma! Mamaya na!"
"No! Ngayon na raw, malilintikan ka sa daddy mo, Ivan!" sigaw pa ulit nito.
Sa next weekend nga sa condo ko na ako matutulog.
"Yeah!" inis na sabi ko sabay upo at kamot ng ulo ko.
"Maligo ka na, Ivan." sabi ni mommy at lumabas na ng kwarto ko.
Sa mga oras na ito ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makatulog ulit.
"5 minutes l─"
"Ivan!"
"Opo 'ma!" padabog na sabi ko at saka pumuntang CR.
Napatigil ako sa pagsusuot ng boxer ko nang magring ang cellphone ko.
📞 Ace
"Oh?" tinatamad na sabi ko sabay hikab.
[Asan ka p're?]
"Bahay." tipid na sagot ko
[Punta ka dito sa DC Mall. Bilisan mo!]
"Bakit?" bored na sagot ko
[Magdodota kami nina Sid, e. Wala akong kakampi.]
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Novela JuvenilJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...