UNO

7.5K 144 17
                                    

May, 2014.

Isang taon.

Isang taon na ang bawal na relasyon.

Out sa ilang friends naming. Pero siya hindi. Yan ang nagpapakomplikado sa lahat. Tulad ngayon kasama namin ang mga workmates niya. Naiilang ako. Wrong timing kasi tong pagbisita ko sa kanya.

Yung surprise visit pero ako ang nasurprise dahil mag-o-over time pala sila.

"Aiko, angtahimik naman ng friend mo."

Ako ang tinutukoy ng boss niya. Isang accountant si Gemini. Nagtatrabaho siya sa BDO.

"Ganyan lang talaga siya."sagot niya. "Mahiyain."

Kinalikot ko ang phone ko. nagdial ako ng number ng isa sa mga kaibigan ko.

"Excuse po ha?"

Lumabas muna ako ng resto. Hindi pa ako nakakalabas ay pinutol ko ang tawag. Hindi ko lang gusto ang atmosphere kasama ang mga katrabaho niya.

Hindi ako nagcocross dress. Babaeng-babae pa din ako manamit pero ramdam ko ang pagkailang ni Gemini kanina.

Bumalik na ako sa loob ng restau nang medyo nahimasmasan na ako.

"Nagsmoke ka?"

"Ah? Hindi. Hindi ako naninigarilyo."

Tuloy lang ang kwentuhan nila. How I wish mapagod na sila at mag-ayang umuwi.

Nagpanting ang tainga ko nang mabanggit nilang may manager na nagkakagusto kay Gemini.

"Ano girl? Gusto niyang kunin ang number mo."sabi ng isang kawork niya. "Ibibigay ko na ha?"

Hindi! Gusto kong sabihin pero hindi pwede. Hinintay ko ngang tumanggi si Gemini pero wala.

"Bahala ka. Pero hindi ko yan ientertain."

Thank God!

--

Pauwi na kami sa apartment na inuupahan niya. Sa Cavite kami nakatira ni Gemini pero mas may opportunity sa work dito sa Manila kaya dito siya nag-apply.

Hindi kami nag-iimikan habang naglalakad.

Ganito kami madalas kapag wrong timing ako o kapag pagod siya.

Pero nangyari lang to nitong mga nakaraang tatlong buwan.

"Nandito ba ang kasama mo sa apartment?"

Tumango siya. "Bukas pa ang off niya e."

Nang nasa tapat na kami ng apartment niya ay nagpaalam na ako. Hindi ako pwedeng matulog dito.

"Saan ka uuwi?"

"Hotel na siguro. Wala si Loida sa bahay nila e. Nakakahiya naman kay tita kung doon ako matutulog."

"Pasensya na hindi ka pwede dito e."

Tumango naman ako. "Ok lang. Pasok ka na."

Magcocommute ako papuntang pinakamalapit na Eurotel. Nagsinungaling ako. Pinapatuloy ako ni Loida sa bahay nila pero gusto ko lang mapag-isa ngayon.

Matagal pa to. Matindi kasi ang traffic.

Nagsasawa na kaya si Gemini sa akin? Sa amin? Nakakatakot magtanong. Masaya naman ang umpisa ng relasyon namin e.

Nagsimula lang nung nagkawork na siya tapos naging busy.

Nasa kwarto na ako.

Katext ko naman siya. Pero iba yung pakiramdam ngayon.

Me: may problema ba tayo?

Gemini: wala naman. bakit?

Me: Parang ayaw mo akong kausap.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon