CHAPTER TWO

93 15 1
                                    


 Ilang araw nang nakalipas matapos ang krimen ay bumalik sa dati ang diwa ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Tatlong araw ding pinasarado ito kadahilan sa low facility and security. Mabuti na lang at mayroon akong extra-income sa dati kong trabaho kundi matagal na akong namamalimos sa kalsada.

 Walong taon na akong namumuhay ng sarili- my parents just vanish in a blink of an eye. Wala akong nakuhang ano mang dahilan o impormasyon sa kanila. All I know is iniwan na nila ako. Wala akong kakilalang kamag-anak sa lugar namin dahil pinalaki ako sa loob lang ng bahay kaya ganito na lamang ang pursige kong magtrabaho. 

"Nathalia" asik sakin ni Nicole "Ang weird niya no?" Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya. Isang lalaking nakasuot ng itim damit na nak-hoodie at nakasuot siya ng shades.

"Bakit naman?" sabi ko habang pinupunasan ang mesa. "Malay mo linalamig lang o kaya giniginaw. Ano ka ba wag kang mastadong O.A"

"Hoy Mary Nathalia Cortez sira ka ba? Ikaw ata ang O.A diyan" sabi niya sakin sabay taray "At saka iba talaga ang pakiramdam ko sa kaniya. Tsk. Tsk. Parang ano- parang nakita ko na siya dito "

I rolled my eyeballs bago ibalik ang tuon sa pagpupunas ng mesa "Regular costumer natin siya kaya wag kang masyadong ano diyan. Maiwan na kita madami pa akong gagawin." 

Pero at some point nakaramdam nga ako ng mali sa kaniya, parang nakita ko na siya hindi dito kundi sa ibang lugar. Pakiramdam ko parang we're connected to each other. Very familiar ang mukha niya kahit hindi ko makita ang kabuuan.

"Ano bang pinagsasabi mo! Of course familiar siya kasi palagi mo siyang nakikita dito!" Sabi ng isip ko. Pero teka. Palagi? Palagi ko siyang nakikita? Nabalik ang pansin ko sa trabaho ng bigla akong tawagin ni Mr. Hera. Dalhin ko raw yung order ng binata na red wine. All of a sudden bigla akong kinabahan. Bakit ba? Eh sa matagal na akong waitress dito at saka siya lang naman diba?

Siya lang.

Di ko nga siya kilala. Isa lang siyang regular na costumer. Kinuha ko ang isang tray na naglalaman ng order niya ng bigla kong naalala yung champagne at puting kumot.

Kalimutan mo na yun Thalia!

Nang nakalapit na ako sa kaniya-napansin ko agad na namumutla siya dahil sa putla ng labi niya kahit na naka-shades siya ay alam kong malayo ang tingin nito dahil hindi niya napansin ang presensya ko. 

"Thanks." 

Narinig kong sabi niya. Iniwas ko agad ang tingin ko nang napansin kong tinitingnan niya ako. And my instinct told me na tingnan ang suot niya. 

Shit.

 Eto na naman ano ba tong nararamdaman ko. Isang matulis at malamig na bagay ang biglang tumusok sa dibdib ko, nakaramdam rin ako ng halong kaba at takot.

Napatingin ako sa isang pendant na suot niya. Bakit meron siya niyan? Bakit nasa kaniya yan? It supposed to be nasa police yan dahil kabibigay ko lang iyan kaninang umaga.

The Demon's Cage (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon