Affection
Naramdaman kong natense si Lara. Oh goodness! Ano naman kaya ang kailangan ng unggoy na to rito? Alam naman nyang masyado syang agaw pansin eh bumabalandra pa kung saan saan.
Napatingin ako kay Lara at napakapula na nya. Gusto ko sanang tumawa kaso baka maoffend sya. Hahaha. Iba talaga epekto sa kanya ni kuya.
Sinenyasan ako ni kuya na lumapit sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. At nabigla ako dahil hindi lang sya ang naroon. There standing beside him, the mighty Terrence in black jeans na may butas sa tuhod, gray Nike airmax at gray sweatshirt. Napatingin din sya sakin. I cant read his emotion. Umiwas na lang ako ng tingin.
" Sissy, pakuha naman nung black jacket ko sa locker. Ayaw na kasi akong papuntahin dun nung producer eh. May sayaw pa naman kami." sabi nung kuya kong unggoy. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Bakit kasi naiwan mo?" tanong ko sa kanya. Knowing my kuya, imposibleng may maiwan sya kung hindi talaga sya busy sa isang bagay. O baka babae.
Napakamot sya sa batok nya. Hay.. sabi na eh.
" Sige na, sissy. Please?" sabi nya at nagpout pa ng lips. Letche! Ang unggoy nagpacute pa! Jusko naman! Narinig ko naman na nagtilian ang mga babaeng nasa likuran ko. At nagwink pa ang loko. At lalong nagtilian ang mga babae. Hay naku.
"Sige na. Kukunin ko na. Lumayas ka na dito at baka maglupasay na ang mga babaeng yan. Babaero ka talaga." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya ng malapad.
" Thank you, sissy. Kaya mahal na mahal kita eh." sabi nya. Abat nang bola pa ang loko!
"Oo na! Maliban sa pagiging babaero ay bolero ka pa! Shoo! Layas na at ihahatid ko nalang sayo" sabi ko. He kissed on my cheek bago umalis. Lumingon pa sya ulit para kindatan ang mga babae. Lalo naman nagwala ang mga ito.Napailing ako at bumalik na kay Lara. She's still blushing. At nakatingin sya sa papalayong pigura ng kuya ko.
"Hay Leader...kailan mo ba ko mapapansin?" sabi nya. Tinapik ko sya sa braso. Tumingin sya sakin.
" Tara.Kunin natin yung coat ng crush mo." aya ko. Nagliwanag naman agad ang mukha nya. Tumayo na sya at lumabas na kami ng room. May spare key ako ng locker ng kuya ko. Pumunta na kami sa locker room at kinuha ang sadya namin.
" Alam mo Lara, wag ka ng umasa sa kuya ko. Ayaw kitang masaktan kaya sinasabi ko ito. But my kuya doesnt deserve someone like you. Masyadong playboy yun" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang performance ng Gravity zero.
" Alam ko naman yun. Chill ka lang no? Crush ko lang naman sya eh" sabi ni Lara at tumawa pa.
Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nya. Its her choice anyway kung susundin nya ko o hindi. Malaki narin naman sya para malaman ang makabubuti sa kanya o hindi. And I guessed falling in love with my kuya is quite dangerous for her.
Nang nakarating kami sa gym ay marami na ng tao. Kaya pala katagal ng prof namin kasi wala pa lang klase at nandito lahat ng estudyante. Pinapunta kami sa backstage ng isang staff. Pumunta kami doon." Ah, asan kuya ko?" tanong ko kay Alvin na nasa tapat ng malaking salamin at sinisipat ang itsura nya. Lumingon sya sakin at ngumiti ng todo.
" Oh princess, ikaw pala yan.Nasa loob ng cr ang kuya mo. Lagay mo na lang dun sa mesa ang coat nya." sabi nito. Ang mesa na tinuturo nya ay malapit kung saan nakaupo si Terrence. Hindi naman yata nya kami napansin kaya humakbang na ako papunta doon para matapos na ang nagrarambulan kong heartbeat. Buset! I really feel affected by him kahit na wala naman syang ginagawa sakin. Ah may problema na yata ako sa puso. Nang malapag ko na ang coat ay saka naman tumayo si Terrence sa kinauupuan nya. Bahagya akong napapitlag ng dumampi ang braso nya sa balat ko. Damn it! Binilisan ko na ang paglabas kaso naman puro tawag ang mga ugok na myembro ng Gravity zero sakin." Hi honey!" -Dean
" Hi pretty! Long time no see"-Ace
" Hi sweety!"- Lex
"Oh sungit andito ka pala?"-Adrian
" Aba! Ang ganda mo na ah?" - Mico. Makatawag ang mga ugok eh akala mo hindi kami araw araw nagkikita. Nasa bahay kasi sila lagi tambayan nila yon pag tapos na silang magpractice.
"Tss. Stop pestering my sissy. Baka magulat nalang kayo kapag may bigla nalang nanuntok sa inyo" sabi ni kuya na kalalabas pa lang ng cr. Nagtawanan naman sila. Kami ni Lara? Nganga! Ah usapang lalaki nga naman. Tanging sila lang talaga ang nagkakaintindihan. Ngumuso lang ako sa kuya ko. Tinawanan lang ako ng loko. See? Siraulo ang isang yan eh. Napansin kong napatingin si kuya kay Lara.
Yumuko ang bestie ko.
" Panuorin mo ko mamaya, honey. You'll gonna love me" sabi ni Adrian. I give him a fvk you sign. Tumawa naman sya. Pati yung ibang nakakita.
"Ciery!" sigaw ni kuya. Dalidali akong lumabas at hinila na si Lara.Panigurado papagalitan ako nun kung hindi pa ko umalis.Umupo na kami sa vacant seats.Naghintay kami kung anong oras magsisimula ang program. Ayon sa mga chismosa sa paligid, its a welcome party for Terrence. Oh jeez! Kailangan pa ba talaga yun? Sabagay, sikat nga pala sya.
After half hour nag anunsyo na ang emcee na magsisimula na ang program. Guess what? Halos magwala ang lahat. Okay alam kong excited sila pero pwede bang chill lang?
" And finally, the guys behind the commotion here. Lets welcome, the Gravity Zero!" masiglang sabi nung emcee at mas lalong nagwala ang lahat. Nakisabay narin ako sa hiyawan. Im excited whenever they perform. Hahaha. Supportive sister, here!
The song begin to play. Its Bieber song entitled Sorry. I hardly cant hear the song dahil sa sigawan ng mga tao. I watched and fuck! Why I cant take away my eyes off of Terrence? Lalo na sa part na tila nagsosorry yung step. The emotion is really written in their faces. Para talagang nagsosorry sila sa taong pinakamamahal nila. At ang galaw nya, the way his hip, hands and feet move why is it so graceful? Alam ko matagal syang hindi nagsayaw ayon narin sa kuya ko kahit na ayw kong malaman ay sige parin kwento. But hell! He's amazing! Kahit na dalawang taon natambak ang talent nya.
Nang matapos ang kanta ay kanya kanyang paulan ng flying kisses ang mga ugok. Kanya kanya ring saluhan ang audience. Then nagperformed pa ulit sila ng isang sayaw kaya nagbalik na naman ang ingay.I should not feel it. Im fcking affected again. By the same man. Alam kong isa ang pagsayaw nya sa nagustuhan ko.
" So, ano naman ang dahilan kung bakit ka ulit bumalik, terrence? Though talaga naman na gusto ka namin na bumalik pero curious kami sa reason mo." sabi ng emcee. Ha? Nag space out yata ako. Tinatanong na kasi ng emcee si Terrence so it means tapos na syang iwelcome.
Tumawa si Terrence. Yeah. He's more handsome kapag tumatawa.
" Really? I came back for someone but I guessed im too late" sabi ni Terrence at pinagala pa ang paningin sa loob ng gymnasium. tila may hinahanap sya. At biglang nagtagpo ang mga mata namin. At bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Damn!