Chapter 1

10.5K 371 46
                                    

Ang kwentong to ay halong same-sex romance at urban fantasy. Kung hindi kayo komportable sa mga ganitong tema, huwag na magpatuloy. Also, slow burn ang character development ng bida natin. Kung gusto niyo ng protagonist na super powerful at super maabilidad na umpisa pa lang, save your gripes and get the fuck out of here. 

------------

"Ang ingay!" bulalas ng babae.

"Natural, nasa loob tayo ng bar! May bar bang tahimik?" sigaw ng lalake sa kasama nitong babae na halatang nababagot na.

"Bakit kasi pinilit-pilit mo akong pumunta dito? Alam mo namang ayoko sa mga ganitong lugar, di ba?" sagot naman ng babae.

"Lintek! Eh, di dapat hindi ka na lang sumama. Bwisit. Badtrip ka naman!" Halata sa mukha ng lalake ang pagkairita.

"Bryan, pinilit mo ako. Pinagbigyan lang kita dahil may problema ka sa boss mo."

"CR lang muna ako. Nakakabadtrip ka. Umuwi ka na lang."

"Pauuwiin mo akong mag-isa? Gago ka rin, ano!"

"Bahala ka nga!"

Naglakad iyong Bryan patungo sa restroom ng bar. Dahil naiihi rin si Errol ay pumasok na rin ito sa banyo. Dahil ang bakanteng urinal ay ang katabi ng sa lalaking mukhang lasing ay doon na rin umihi si Errol. Hindi sinasadyang napadako ang tingin niya sa mukha ng lalaki.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo? Bakla ka ba?"

Hindi sumagot si Errol. Iniba nito ang tingin at pagkatapos ay madaling lumabas ng restroom at tinungo ang inupuan niyang mesa. Tahimik lamang siya. Napansin niyang wala rin ang babae sa katabing mesa. Ilang sandali pa ay nakita niya lang na lumabas ng palikuran ang lalaking nakasabay niya sa pag-ihi. Yumuko lang siya nang bigla siyang sigawan nito.

"Bakla!" sigaw ng lalake. Napatingin naman ang ibang taong malapit sa kanila. "Hoy, bakla, di tayo talo."

Napatingin lang si Errol nang bahagya sa lalaki at yumuko ulit. Hiyang-hiya siya sa mga oras na iyon. Bigla namang may lumapit na isang binatang nakasombrero na sintangkad at singkisig niyong Bryan.

"Pare, ano'ng problema?"

"Eh, 'yan, eh! Tinititigan ako habang umiihi."

"Tinitigan ka lang naman pala, eh. Anong masama dun?" Ngumisi lamang ang nakasombrerong binata. "Bawal ka ba tingnan? Araw ka ba?"

"Ba't ba nangingialam ka? Gago ka, ah!" Tinulak ni Bryan ang nakasombrero.

Inangat ng nakasombrero ang dalawang kamay nito upang ipahiwatig na hindi nito nais na makipagbunuan. "Pare, easy ka lang. Init ng ulo mo. Marami ka na yatang nainom."

"Pakialamero ka, eh. Syota mo ba 'tong bading na 'to?" Dinuro niyong Bryan ang noo ni Errol. n

Dahil sa pagkapahiya ay yumuko si Errol.

"Pare, bastos mo, ah. Hindi ka nga inaano ng tao, o."

Biglang bumalik ang babaeng kasama nitong Bryan na may dalang tisyo na pinahid-pahid nito sa kanyang damit. Sa tingin ni Errol ay galing din ito ng banyo. Narinig niya itong inaawat ang kasama.

"Bryan, ano 'to? Nanggugulo ka na naman," nakakunot noo nitong saad kay Bryan.

"Isa ka pa, eh. Bwisit! Badtrip kayong lahat."

"Pare, kelangan mo na yatang umuwi. Init ng ulo mo. Ang alak sa tiyan nilalagay, 'di sa ulo!" Nakapamulsa ang lalaking nakasombrero.

"Uy, guys, tama na 'yan." Hindi alam ni Errol kung bakit bigla siyang sumingit. Malamang dahil sa takot sa kung ano'ng mangyari sa pagitan ng tatlo ng dahil sa kanya. Dahil sa kanya? Wala naman siyang ginawa.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon