KABANATA 23

8.6K 408 36
                                    

The house is very creepy.  Bukod kasi sa lumang-luma na ito, halatang hindi ito name-maintain nang maayos. Malinis man ang kapiligiran, kulang na kulang ito sa sigla at kulay na hindi naman nababagay sa makulay--at buhay na buhay, na personalidad ni Jasmine.

"Kailangan mo nang umalis."  Bulong sa akin ni Nana Azon.  Sinabi nito ito matapos makaalis ng dalawang katulong.

"Opo... sandali lang po."

"Siya sige.  Doon muna ako sa may pintuan sa itaas para magbantay.  Pero bilisan mo, ha?  Dalawa lang kasi kami ni Jessica na kakampi ni Jasmine dito.  Kapag nahuli tayo, malalagot lalo si Jasmine...naiintindihan mo ba?"

"O-opo."

Umalis na ang matanda.  Pero dahil dala nito ang flashlight, naging napakadilim na ng basement.  Ang malamlam na ilaw sa loob selda ni Jasmine lang ang nagsisilbing liwanag namin doon.

Muli kong sinilip si Jasmine sa loob. Nakatingin ito sa akin; nakangiti.  Hindi ko man maintindihan ang dahilan nito para makuha pang ngumiti, nginitian ko rin ito kahit ngiting napipilitan lang.

Mas lumapit ako sa parisukat na butas at humawak sa rehas. "Parati ka ba nilang ikinukulong dito?"

"Hindi naman."  Kumapit din ito sa may butas; tumiyad para magkatapat ang aming mga mukha. "Kapag nagtatangka lang akong umalis ng bahay.  Ayaw kasi nilang gumagala ako sa labas.  Wala raw naman kasi akong mga kaibigan kaya...wala raw akong maaaring maging dahilan para lumabas."

"Pero, Blbakit ka naman nila pinagbabawalan lumabas?"

Nagkibit-balikat ito.  "Siguro, iniingatan lang nila ako.  Nagkaganyan lang naman si Mama simula nang mamatay ang ate ko."

"Iniingatan? Ikinukulong ka nila at hindi pinapakain tapos iniingatan?"

"Ganun lang talaga magdisiplina si Mama. Ganito na s'ya sa amin ni Ate simula pa nung mga bata pa kami.  Gusto lang n'yang maturuan kami nga leks--"

"That's bullshit!" Pabulong na bulalas ko. "How could you even afford to defend your... w-whoever it is who locked you in here!"

Yumuko muna ito saglit bago nito ako tiningnang muli.  "Wala naman akong choice eh.  Home schooled kasi kami ng Ate ko sapul sa mula kaya wala kaming mga kaibigan. Wala akong mapupuntahan bukod dito. Kaya nga gustong-gusto na noon ni Ate na makapag-asawa, para makatakas na s'ya rito. Ang kaso mo..." muli siyang yumuko.

"Ang kaso'y ano?"

Muli siyang tumunghay, "Hindi s'ya sinipot ng mapapangasawa n'ya sa altar. Kaya hayun...dinamdam n'yang ang nangyari sa kanya hanggang sa--"

"Jeff!"  Pabulong na pagtawag ni Nana Azo; nakasilip ito sa may hagdanan. Napalingon ako rito. "Kailangan mo nang umalis!"

"O-opo. S-sandali lang po." Muli kong tiningnan si Jasmine.  "Naka-off ba ang cellphone mo?"

"Kinuha na nila ang cellphone ko. Wala na akong cellphone.

"Eh may computer ka ba o laptop?"

Lalong bumakas ang kalungkutan sa kanyang mukha, "Kinuha na rin nila."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon